Chapter 10: OH MY BERRIES!

1.8K 76 0
                                    

Joe's POV

Hahaha! Grabe! ang sayang kasama ni Ms. number 2 ha. Napipikon kasi sya kaagad. Mas lalo akong natatawa kapag nakikita ko syang namumula para kasi syang kamatis eh. I don't know why I am enjoying making fun of her. Feeling ko kapag galing ako sa trabaho parang gusto ko syang makita at asarin. Ewan ko ba? Bakit naman sa dami-daming babae na nakilala ko eh sya pa ang gusto kong makita? Sabagay, mukha naman syang clown, nakakaalis ng stress.

"Arrrggghhh! Bwisit ka talaga! Wala ka nang ginawa kung 'di pagtripan ang buhay ko!" inis na inis nyang sinabi sa akin :D hehehe. Ang saya mo kayang pagtripan kaagad kang napipikon at hindi lang 'yon, utu-uto ka pa. Akalain mo ba naman. Feel na feel nya ang pagpikit ng mata nya. Sa tingin nya ba hahalikan ko sya? Hahaha XD. Ang galing ko talagang mag-acting. Kahit naman na pagod na pagod na ako sa business ay nasa tamang pag-iisip pa ako noh.

"Hahaha XD. As expected of Ms. number 2. Paano mo mo pa ko makakalaban nyan eh kung pikon ka naman pala?!" tawang-tawa ako sa sinabi ko. Parang baliw lang? :) hehehe. Nevermind.

"Sumosobra ka na ha! Ganyan ba talaga ang ugali ng isang rank 1?" tanong nya, ha? ano daw? rank 1? Ba, himala! Tinawag nya akong rank 1. Pambihira lang kasi lumabas sa bibig nya ang rank 1 eh. Mapagtripan nga.

"Naiingit ka ba, Ms. number 2?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Che! Ako? Maiingit sayo? Jangdirit! Manigas ka!" sigaw nya. Hahaha XD! Grabe! Ang cute nya kapag namumula sya para talagang kamatis ang mukha niya. Nawala tuloy ang stress ko (^-^)... Maya- maya lang ay nakarating na sila Kate, Jake at Earl. May tatlong cheesecakes silang dala. Blueberry cheesecake ang dala ni Earl, Raspberry cheesecake ang dala ni Jake at Strawberry cheesecake naman ang dala ni Kate.

"Wow naman Kate! Mukhang masarap ang binake mo. Nagugutom na tuloy ako." naglalaway na sinabi ni Shirley. Tsk! Ayan na nanaman. Sumumpong na yung tiyan nya. Pagkasi naglalaway na yung babaeng 'yan parang wala nang bukas kung makakain lalo na pag si Kate ang gumawa. Pero kahit naman ganun sya katakaw kumain hindi pa rin nawawala ang shape nya -_-"... Sus! Ano ka ba naman Joe! wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Erase! Erase! Erase! Makakain na lang nga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Be a Fan.Comment.Vote! :D

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now