Chapter 50: Sunset

1.4K 46 1
                                    

Lumabas na muna ako sa villa at dumiretso sa dagat. Umupo muna ako sa buhangin kung saan hindi ako maaabutan ng alon. Malapit na rin gumabi dahil medyo kita na ang sunset. Habang busy akong nagmumuni-muni ay hindi ko napansin na may nagsalita sa tabi ko.

"Umamin ka nga. Stalker talaga kita noh?" he said while showing his famous smirk.

"AY STALKER!" napatalon na lang ako sa sobrang gulat.

(>.<) Jusko po! Aatakihin talaga ako ng di oras sa impaktong halimaw na 'to. Panira ba naman ng moment. Aysh! <(>o<)>

"Hoy halimaw! Ayoko pang mamatay kaya please lang, wag ka ng kabute dyan na bigla-bigla na lang sumusulpot! Leche!"

"Hindi ako ang sumusulpot Ms. Number 2. Ikaw nga dapat dyan ang sinasabihan kong sumusulpot eh atsaka ang gwapo ko naman para maikumpara sa isang kabute. Tch."

"At bakit naman ako, aber? Sa pagkakaalam ko, ako ang nauna dito."

"At sa pagkakaalam ko rin ay mas nauna ako sayo dito ng mga 10 minutes to be exact bago ka umupo dyan at magmuni-muni."

"Eh kung mas nauna ka, bakit hindi kita nakita?"

"Malamang hindi mo man lang ako liningon dahil nakafocus ka masyado sa sunset."

"Dahil mas magandang view ang sunset kaysa dyan sa mukha mo."

"Kasalanan ko bang masyado akong hot at gwapo kaya hindi ka makatingin sa akin?"

"Ikaw nagsabi nyan hindi ako."

"Pero 'yun naman ang pinapahiwatig mo."

"Whatevah."

"Hahahaha!"

Nilingon ko sya at napakunot-noo ako

"Nababaliw ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo, sayo."

(>///•///<)

Bakit parang biglang nag-init ang pisngi ko?

"Hey! Are you blushing?"

"Ch-Che!"

"Hahahaha! Tignan mo o! Ang pula ng pisngi mo! Pinaglihi ka siguro sa kamatis." sabi nya at tumawa pa.

"Sige, tawa pa. Malagutan ka sana."

"Pffft... hahahaha.... So-sorry. Pfft..." sabi nya habang nagpipigil ng tawa.

Dahil ayaw nyang tumigil sa kakatawa ay sinamaan ko na lamang sya ng tingin.

"Okay, okay. I'll stop." sabi nya at medyo tinaas pa ang dalawang kamay bilang pagsuko. Buti naman at naiintindihan nya.

Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Ang naririnig na lang namin ay ang alon ng dagat at ang medyong malakas na hangin.

Dahil medyo awkward ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ay nagsalita na lang ako.

"Kamusta na pala si Jake?" tanong ko

"Ayun nasa bar, nagpapakalasing kasama ang mga hinayupak na barkada." sagot nya habang nakahiga na nakadekwatro ang paa (yung nakapatong ang isang paa nya sa isa pa nyang paa.) at nakapatong ang ulo nya sa dalawa nyang kamay na magkadikit habang nakatingin lamang sa taas.

"Buti hindi ka sumama sa kanila?"

"At ano naman ang gagawin ko doon? Wala ako sa mood para magpakalasing. Sila lang ang may gusto hindi ako." bored nyang sagot.

"Hay naku... Bakit ba kasi napakakomplikado ng love? Tapos kasabwat nya pa ang tadhana. Bakit hindi na lang nila hayaan na magkatuluyan ang mga magkasintahan?" tanong ko na lang bigla.

"Hindi ang love at ang tadhana ang nagpapakakomplikado sa isang relasyon. The girls are the ones who makes a relationship complicated." sagot nya

Ano raw? Kaming mga babae ang nagpapakomplikado ng relasyon?

"What do you mean?" tanong ko

"Simple, kayong mga babae ang dahilan kung bakit kaming mga lalake ay nagpapakalasing dahil sa pagiging broken hearted."

"Sandali lang, bakit? Kayo rin namang mga lalake ang dahilan kung bakit kami nabobroken hearted ah." kontra ko naman sa kanya.

"Oo, kami nga pero kayo ring mga babae ang nagiging dahilan kung bakit kami naghahanap ng iba. Ang hirap kasi sa inyo, once na umamin na kami na gusto o mahal namin kayo ay madali lang sa inyo maging biro ang confession namin. Ang alam nyo lang kasi sa aming mga lalake ay hindi marunong magseryoso sa isang relasyon kaya binabalewala nyo lang ang pagkoconfess namin sa inyo."

"Sino ba naman ang hindi magbabalewala eh yung pinapakita nyong mga lalake sa amin ay parang laruan lang. Pagkatapos nyong laruin ay maghahanap na kaagad ng bagong laruan dahil nagsawa na kayo sa linalaro nyo. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang ibang babae ay dinadaan na lang sa biro ang pag-amin nyo."

"Hindi lahat ng lalake ay katulad ng mga lalake na alam nyo. 'Yan ang hirap sa inyo, pinaniniwalaan nyo lang ang alam nyo kahit na hindi nyo pa talaga alam ang lahat. You girls are so selfish that you won't even bother to know the feelings of someone that loves you. You only want your own d*mn happiness and the things that you want yet you don't even bother to understand the sincere feelings of someone that is now hurting because of your selfish acts." sagot nya at tumayo na. Nagsimula na syang maglakad pabalik sa villa nila.

"What the? Hoy halimaw! Bumalik ka nga dito! Hindi pa tayo tapos! Hoy! Ang daya mo naman, hindi pa nga ako nakakakontra sa sinasabi mo linayasan mo na kaagad ako. Tch. Lecheng halimaw! Mabangungot ka sana."

Aba't ang batang ire. Tinakasan ba naman ako eh sa hindi pa ako nakakaganti sa mga pinagsasabi nya. Ang daya talaga ng lalaking 'yon.

Pero come to think of it. Parang may pinanghuhugutan ang lolo nyo. Atsaka bakit sa akin sya nagagalit eh sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa sa kanya ah. Hindi rin naman sya nagconfess sa akin tapos binusted ko sya. Haaay.... Ang hirap nya talagang ispellingin. You will never understand monster like him. ( ̄o ̄) *sigh...*

Tumingin na lang ulit ako sunset.

"Ang ganda talaga ng paglubog nito."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Slow update na po ako ngayon sa mga stories ko dahil sa monday na ang pasok. (TT^TT) huhubells.. Last update ko na muna po 'to for summer. Pasensya na po kung hnd ko kaagad natapos ang special 2 this summer. Marami po kc akong ginagawa pero promise ko po na maga-update ako kung may free time. :)

Vote.Comment.Be a Fan.Please Share! ;)

JamieeeBlue♥

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now