Chapter 60: Weird Kidnappers

1.5K 38 2
                                    

Third Person POV

 

Nang makapasok na sila sa sasakyan ay hindi pa rin tumitigil si Shirley sa kakasigaw habang tinatalian ang kamay niya sa likod.

"WAAAAHHH!!! Somebody, anybody, HELP ME!" sigaw ni Shirley.

"Oy, Pacman! Itali mo nga yung bibig nyan. Kanina pa ako nabibingi sa kanya." utos ni Pikachu.

"Sige. Sino ba sa inyo ang may panyo?" tanong ni Pacman.

"Bakit hindi mo na lang gamitin yung panyong ginamit natin kanina para sa kanya? Wala rin namang pampatulog 'yon." sagot ng babae na tinatawag nilang blossom ang leader ng powerpuff girls.

"Oo nga noh?"

 

 

Kinuha ni Pacman ang panyo at itinali ito sa bibig ni Shirley.

Nataranta ang lahat nang may biglang tumunog na cellphone.

"Pakshet! Hoy! Sagutin niyo na yung tawag baka si bossing 'yan!" sigaw ni Pikachu.

'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone~'

 

 

Natahimik silang lahat sa ringing tone at sabay-sabay silang tumingin kay Pacman.

"Like, seriously? 12:51?" maarteng tanong ni blossom.

"Oh, come on! Anong magagawa ko, eh sa nagandahan ako sa kanta." nakangusong sagot ni Pacman.

'But I'm lying on my bed, thinking of you again~'

 

 

"ANSWER YOUR FVCKING PHONE!" sabay-sabay nilang sigaw kay Pacman.

"Alright, alright." sagot ni Pacman at sinagot na ang tawag.

"Hi bo-bossing!" kinakabahan na tawag ni Pacman.

"Uy, pare! Bossing mo na pala ako ngayon! Naks! Natamaan ka na talaga sa kagwapuhan ko."mayabang na sagot sa kabilang linya.

"FVCK YOU TO INFINTY, DONALD DUCK!" galit na sigaw ni Pacman.

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now