Chapter 3: Meet Top 3 and 5

3.5K 119 9
                                    

Nang makarating na kami sa malaking classroom, "Sa WAKAS! Nakahinga rin ako ng maluwag." sabi ko habang nagpapahinga sa upuan ko.

"Ano nanaman nangyari sayo ngayon Shirley?" sabi ni Jake habang papalapit sa upuan ko.

OH MY GOSH! Wag kang lalapit sakin Jake baka matunaw ako. >///<

"Wag mo ngang lapitan ang baby ko PANGET!" inis na sinabi ni Kate nang bigla nyang hinila sa kamay si Jake.

"Oops. Easy ka lang babe." sabi ni Jake nang humarap sya kay Kate

"A-anong s-sabi mo!?" pulang-pula si Kate nang sabihin nya ito.

"Hay nako. Hindi pa rin talaga kayo nagbabago. Same as always lalo ka na Jake, playboy pa rin hanggang ngayon pati rin ikaw Kate, kaagad kang namumula kapag kausap mo na si Jake. Natatawa tuloy ako sa inyong dalawa. :D hahaha..." pabirong sinabi ni Earl habang hawak-hawak nya ang kanyang puppy na Shih Tzu. Susyal lang si kuya ha samantalang ako, askal dog ang alaga ko.

"Kahit rin naman ikaw kuya Earl, hindi ka pa rin nagbabago. Mahilig ka pa rin sa mga aso." sabi ni Jake

"Hahaha... Sorry, hindi ko kasi mapigilan eh. Ang CUTE kasi nila." pacute na sinabi ni Earl

"Si kuya talaga o." nakangiting sinabi ni Kate.

Sila Kate, Jake at Earl ay magchildhood friends. Matanda ng isang taon si Earl kaya kuya ang tawag nila Jake at Kate sa kanya.

Ang pamilya kasi  ni Kate ay may kumpanya sa mga damit at mga sapatos. Ang pamilya naman ni Jake ay may kumpanya sa mga gadgets at ang pamilya naman ni Earl ay nagmamay-ari ng 5 star hotel at dalawang fancy restaurant. Ang nanay at tatay kasi nila ay magkakaibigan kaya madalas na nagkikita sila Kate, Jake at Earl noong bata pa sila. GRABE! Ang yaman talaga nila. Sa mukha pa lang nga maganda at gwapo na, halatang mayaman ang hitsura samantalang ako parang chimay lang sa bahay ang mukha ko pero hindi ko ito ikinahihiya dahil gawa at ibinigay ni Daddy God ang mukha kong ito. I am who I am and no one can change me.

"Oo nga pala. Asan na si Joe? Ba't wala pa sya dito?" tanong ni Jake

"Sabi daw ng secretary nya ay nasa France pa daw sya para tapusin ang meeting nya." sagot naman ni Earl

"Ang sipag talaga ni Kenneth noh? Ang bata-bata nya pa lang, business na kaagad ang pinupuntahan nya kaya madalang lang natin sya makasama sa school pero kahit madalang lang natin sya makasama ay nakakakuha pa rin sya ng perfect score sa mga tests natin at palaging 100 ang grade nya sa mga subjects natin. If my memory serves me correct, I think that his lowest grade so far was only 98 when we're in elementary." sabi ni Kate habang nagpopolbo

"Oo nga eh. Paano nya kaya nagagawa 'yon? At hindi lang 'yon, ang pogi pa nya at sya ang dream boy ng mga babae dito sa school pati na rin sa labas ng school kaya hindi na nakapagtataka na sya yung Top 1 ng Special A at number 1 rin sa mga heartthrob ng school. Wala pa ngang nakakatalo sa kanya eh." sabi ni Jake habang naglalaro sa kanyang iphone.

"Hindi lang 'yon, isama mo na rin sa pinakamayabang na lalake, number 1 sa pinakamasungit, number 1 sa pinakaHATE ko at number 1 na rin sa pinakaPANGET na lalake  na nakilala ko sa buong buhay ko." dagdag ko habang nagbabasa ng libro.

"Sus. Naiinggit ka nanaman nyan eh kaya sinasabi mo ang mga bagay na 'yan." natatawang sinabi ni Jake

"In your dreams Jake, ONLY IN YOUR DREAMS." kaagad kong sinabi sa kanya

"Hahahahahaha! Wag ka na kasing magdeny Shirley. Halata naman sa mukha at sa mga pinagsasabi mo eh." xD , tawang-tawa nyang isinabi ito.

"Alam mo Jake, para kang baliw. Tawa ka nang tawa na wala namang dahilan. Tsk! Maghanap ka nga ng kausap mo." inis na inis kong sinabi sa kanya

"Sorry na. Ito naman o, hindi mabiro. Kaagad napipikon."

"Paano naman kasi, hindi nakakatawa ang biro mo."

"Guys tama na. Umagang-umaga nag-aaway kayo." awat ni Earl

"Kasalanan nya naman kasi eh. Sino bang tao na ma-iinggit sa lalaking 'yon? Jangdirit! Manigas sya!" sinigaw ko.

"Okay, okay Shirley. Wag ka nang magpahighblood. Hindi 'yan bagay sa mukha mo. But it kinda reminds me about the saying, "The MORE YOU HATE, the MORE YOU LOVE." Am I right Jake?" nakangiting tanong ni Earl

"Correct ka dyan  Bro!" tawang-tawa si Jake dahil sa sinabi ni Earl.

"Sige, pagtulungan nyo lang ako. Hindi ko expect na makikisangga ka sa kanya Earl." sabi ko habang paalis na sa classroom nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Shirley, wag kang mag-alala nandito pa naman ako eh. Hindi natin sila bati. Manigas sila sa kakasorry satin." sabi ni Kate. Medyo natawa rin ako sa sinabi ni Kate kase para syang bata nung sinabi nyang hindi namin sila bati. Paano naman kaya, pogi nga sila pero ganyan naman ugali nila. Masyado silang corny. =__=

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now