Chapter 8: Bad Spirit, GO AWAY!

2.1K 82 1
                                    

Hi Guys! sorry kung matagal ang update. Sorry talaga. Pasensya na pooo. Kasi sobrang busy ko this week eh.. dahil sa mga projects and other school works. Huhuhuhuu. Sorry po talaga. Pero ngayon sisiguraduhin kong makakabawi ako sa inyo. Medyo maluwag luwag na din ako ngayon kasi.... SEMBREAK na! Hahahaha. XD Kaso 1/2 week lang. :((( Ayos lang yun! Hahaha. xD Osya, tama na ang dramahan dito.

Enjoy the update! :"> Be a Fan.Comment.Vote!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 Umalis na sila at kaming dalawa na lang ni halimaw ang nandito sa garden. Oo nga pala! Yung ginawa nya sakin kanina. Akala nya nakalimutan ko na 'yon noh. Pwes! hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.

"Hoy halimaw! May atraso ka saken. Pagkatapos mo akong asarin, iiwan mo lang ako ng ganun-ganon lang. Hinayaan mo lang ako na bastusin ng mga students doon?! Tao ka ba talaga? Feeling ko kasi hindi eh, kasi wala kang puso!" inis na inis kong sabi sa kanya. Nakahiga siya sa may bench at nakapatong nanaman ang libro sa mukha nya. Siguro natutulog 'to. Pero kahit na. Alam kong naririnig nya ako kaya hindi nya ako makukuha sa bingi-bingihan nya.

"Hoy halimaw!" sigaw ko sa kanya.

"Hoy halimaw! Wag ka ngang magbingibingihan dyan. Alam kong naririnig mo ako" sinigaw ko ulit sa kanya.

"Tae! Ang katak mo rin noh?! You're so annoying! Hanggang dito ba naman kumakatak ka?! Will you SHUT your FREAKIN' MOUTH?!" inis na inis nyang sinabi saken, hindi lang nainis, sinigaw nya pa ng todong-todo. Grabe syang magalit ha. Para talaga syang halimaw. Pero hindi pa rin ako magpapatalo sa kanya. Kulang pa nga 'to sa ginawa nya sakin eh. Napaiyak nya ako kaya dapat mapaiyak ko rin sya. >:D

"Don't you dare talk to me like that! Eh kung yung parents ko nga hindi ako sinisigawan ng ganyan, ikaw pa kaya?!" sigaw ko sa kanya.

"My Ghad! Hindi mo ba talaga papatigilin 'yang bunganga mong makatak?! i'm tired already so please, will you give me a break. Just let me rest peacefully!" sigaw nyang sinabi.

"Wala akong PAKIALAM! Dahil sayo nasira ang araw ko at kung hindi ka ba naman tangek, pumasok-pasok ka na pagod ka pa pala." ganti ko sa kanya. Bigla syang tumayo at lumakad palapit sakin. Tae! Anong gagawin nya? Lumayo ka sa akin BAD SPIRIT! Ayokong masaniban ng katulad mo.

"H-hoy! W-wag ka ngang lumapit sakin!" sigaw ko sa kanya habang papalapit sya sakin. Paurong ako ng paurong na hindi ko na pala namalayan na nasa pader na ako. Nakalapit na sya sakin at pinatong ang kamay nya sa pader at unti-unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. OH MY GOSH! I'm so sorry. Hindi ko alam na aabot ang pang-aasar ko sa kanya ng ganito. Binabawi ko na po ang mga pinagkakatak ko sa kanya. Please lang wag mong ituloy dahil feeling ko, maya-maya ay matutunaw na ang mukha ko sa sobrang init at pula ng mukha ko. Pero in fairness ha. Ang HOT nya talaga! Perfect na perfect ang mukha nya. Bakit ka pa kasi pinanganak na ganyan ang mukha? Hihihi :"> and landi ha? Wait! Erase! Erase! Wag kang magpaapekto sa mukha ng halimaw na' to hindi pwede maging pogi ang mga monster. Keep that in mind always Shirley.

"O, ano? Ba't bigla kang nanahimik? Ituloy mo na yung mga kinakatak mo." sabi nya. OMG! 1 inch na lang ang layo ng mga mukha namin and WOW! Ang bango ng hininga nya ha... Shirley! tumigil ka na nga!

"Ilayo mo ang halimaw na mukha na 'yan sa mukha ko. Nasusuka ako!" sagot ko sa kanya.

"Sigurado kang halimaw ang mukha na 'to? Baka sayo, mas malala pa nga ang mukha mo eh. Mukhang BAKEKANG!" ganti nya. Bah! Ano daw?! Mukhang bakekang ang mukha kong ito? Hoy lalaki ka! Baka gusto mong magkaroon ng black eye 'yang mata mo. Pasalamat ka medyo mahaba pa ang pasensya ko hindi katulad mo. Linapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko.

"Hoy! Lumayo ka nga. Ang lapit-lapit na ng mukha mo sa mukha ko." sabi ko sa kanya pero hindi nya man ako pinansin at linapit nya pa rin ang mukha nya sa mukha ko. Konting-konti na lang magkadikit na yung lips namin. Lord, please I need your help. Napapikit na lang ako at maya-maya lang ay parang hindi ko na nararamdaman ang paghinga nya. Pagmulat ng mga mata ko...

(-_-)

(-_0)

(0_-)

(-o-) Sigh..

(0_0)

Ha?! Bakit sya tumatawa? Nababaliw na ba' to? Tumatawa ng mag-isa? Hala! Kailangan ko na yatang tumawag sa mental hospital baka may gawin pa sakin ang baliw na 'to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Be a Fan.Comment.Vote! :D

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now