“Loko ka, Lawrence,” napasuklay pa siya sa buhok niya.

“Ikaw kase,” sagot ko sabay harap na sa TV na hindi naman nakabukas. “Kahit sinong lalake, pag nakita ang girlfriend niyang naghuhubad sa harap niya, ‘yon ang iisipin.”

“Hindi ako naghubad. Nakadamit pa nga ako, oh,” galit na sabi ni Catacuts habang papunta siyang kusina.

“Oh, you just ripped off the jacket in front of me,” sarcastic na sagot ko naman sabay ngisi parin sa harap ng TV.

“Whatever,” tumalikod na naman siya at umakyat sa hagdan nila.

Habang wala siya, dinukot ko naman ang phone ko na naghihingalo na. Nakareceive ako ng ilang messages pero una kong binasa ‘yong kay Nina kaninang 8 pm.

From: Nina

Sorry.

 

From: Nina

I’ll try my best to adjust. But please, ‘wag mo namang tuldukan ang communication natin. Wag mo sanang sayangin ang pinagsamahan natin for years—mas mahihirapan lang ako. I’ll accept the fact that you don’t care for me, but not talking or seeing you is another thing.

I hit the reply box, at narealize kong hindi ko pala alam ang sasabihin ‘ko. Nag-ta-tap lang ang cursor sa screen, at wala akong ma-type na letter.

To: Nina

It’s final. Sorry.

Wala talaga akong maisip, at pinag-isipan ko kung dapat ko bang i-send. Naka-hang ang thumb ko sa ere nang biglang umalingawngaw ang boses ni Catacuts sa buong kalupaan.

“Lawrence!” tumili pa siya. “Lawrence!”

Napindot ko agad-agad ang Home button ng phone ko, at halos lumipad paakyat ng hagdanan. Pagkakita ko sa unang kwarto, sinubukan kong buksan agad. Hindi kay Darla ‘to.

“Nasa’n ka?” sigaw ko at naglakad papunta sa duluhang kwarto, malapit sa bintana.

Tinulak ko ang pinto gamit ang braso, dahil baka ano nang nangyari sa kanya. Hindi naman sa OA na reaction; kung makatili kasi siya, parang lalamunin ng UFO, e.

“Baki—what the—“

“Patayin mo nga ‘yang ipis!” sigaw niya habang nakatalukbong siya sa kumot niya nang nakatayo. Mukha tuloy siyang white lady.

“Pinaakyat mo ‘ko para pumatay ng ipis?” sardonic pa ‘yong tono ko.

“Lumilipad kase!”

She squirmed under her blanket, and the cockroach flew toward the ceiling. Ha, paano ko madidispatcha ‘yan kung nasa kisame? Hindi naman ako si Spiderman, tss. Dinampot ko na lang ang tsinelas ni Catacuts saka binato sa kisame. Ayun, nangisay, saka ko sinipa palabas.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now