Kumain kami ng pizza sa isang restaurant, at nakailang order din kami. Bukod sa nakakagutom, masarap din kasi ang pagkain, lalo na ‘yong crust at cheese. Or simply because, I’m with Catacuts.

To be honest, sa bus pa lang, gusto ko na siyang i-kiss, o kahit i-hug. Siguro kasi, tempting ang pabango niya, o sa simpleng dahilan na siya si Darla Catacutan. At ngayon, hindi ko ma-explain ang tuwa ko. It’s good to know that I finally won her heart.

Pagkatapos no’n, nag-sight seeing na lang kami saglit saka bumyahe pauwi. Obvious namang pagod siya kaya gaya ng byahe sa bus kanina, natulog ulit siya—sa balikat ko, at hindi sa bintana.

“Andito na tayo,” ginising ko siya nang nasa terminal na kami tapos kinuha ko ang bag niya saka sinabit sa isang balikat.

We rode a tricycle to her home. Naalala ko kasi ang banta ng nanay niya na malilintikan ako kapag hindi ko hinatid sa bahay nila si Catacuts. Ba’t gano’n, ang bilis ng oras pag masaya ang tao?

“Mag-stay ka muna,” sabi niya habang nagbubukas ng padlock ng gate.

“Ha?”

Lumingon siya. “Sabi ko, pumasok ka muna sa loob.”

“Bakit?” I reflexively smiled.

“Wala si kuya, nasa trabaho.”

Napaubo ako bigla at ngumisi. “Baka magalit ang mama mo.”

Pagkabukas niya ng gate, hindi siya sumagot. Hinihintay ko siyang magsalita pero kinuha niya ang bag na hawak ko at binitbit.

“10 pa uwi ng mama ko; nasa trabaho ‘yon.”

Tumalikod na siya at naglakad paloob. Again, I punched in the mid-air, just below my stomach. Meron pa kaming thirty minutes para magsolo. Bahala na. Ano bang swerte ang dala ng t-shirts na ‘to? Paano nila nalamang kanina ko pa wini-wish na masolo si Catacuts? Ayos.

Pagdating namin sa loob ng sala, hinagis niya ang bag niya sa may hagdanan at binuksan ang electric fan. Ako naman, napaupo bigla sa sofa para makapag-relax sa tapat ng hangin.

Pagkatingin ko sa kanya, namilog lang ang mga mata ko dahil binaba niya ang zipper ng hoodie jacket ko na pinasuot ko sa kanya kanina. Mukhang absent-minded siya habang ginagawa niya ‘yon dahil ‘di sya nagalit na nakatingin ako.

“Masyado ka naman yatang mabilis?” tanong ko habang pinagmamasdan ko siya.

“Ano?” tuluyan niyang hinubad ang jacket at hinagis sa kabilang sofa. Nakasuot na lang siya ngayon ng t-shirt na binigay ko bago umalis.

Tumingin ako sa wrist watch. “9:32 na, mahirap pag naabutan tayo ng mama mo dito.

Namula siya bigla tapos dinampot niya ulit ang jacket sabay balibag sa mukha ko. Buti na lang nakapag-power shield ako agad-agad, at mabilis ang stimuli ko sa mga ganitong atake.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now