Chapter 30 - Mareuz's Decision

Magsimula sa umpisa
                                    

No'ng 12 inches na lang ang distansya niya sa floor at babagsak na dapat siya nang tuluyan, bigla siyang tumigil. The way we see it, parang tumigil ang oras para mapigilan ang pagbagsak niya.

Then I realised, hindi pala talaga na-putol ang kurtina. Siguro merong manipis at matibay na tali na nagdudugtong sa kaniya at sa kurtina sa taas. Hindi lang namin napansin earlier. That was the trick!

"Ang galing!" bilib na bilib at paulit-ulit na sambit ni Jill nang maka-labas kami sa tent.

"Thanks to me at inaya kita do'n. Kung hindi na-miss mo sana ang show!" Biro ko.

"Eh di..." pinagmasdan niya ako.

"...kain na tayo!" Saka niya ako nilampasan.

Akala ko magpapasalamat.

Gaya ng sinabi niya, kakain kamim Kumain kami ng isaw. It's been a long time since I last ate this. Nakaka-miss!

"Hindi pa rin talaga nagbabago..." sambit ko pagka-subo ko sa isaw.

"Ang alin?" pagtataka niya.

"Itong isaw, ang sarap pa rin," takam na takam kong sambit.

"Para kang bata!" biro niya sabay sawsaw niya sa hawak niyang isaw.

Siguro nga para akong bata ngayon na naka-kain ng paborito niyang pagkain. Na-miss ko 'to. Buti na lang sumama ako kay Jill.

After namin kumain, we decided to go home because it's already late.

Kaso hindi ko napigilan ang sarili ko. Habang naglalakad kami pauwi, may nadaanan kaming stall ng shooting.

Tutal, sinimulan na rin namin ang pagiging bata, susulitin ko na. Matagal na rin akong hindi naka-hawak ng baril-barilan.

"Jill, may 20 pesos ka ba diyan?"

"Meron naman yata..bakit?"

"Wala kasi akong barya. Gusto kong subukan 'yun!" sabay turo ko do'n.

"Try mo!"

Naglakad siya patungo roon.

Pagdating namin do'n, agad kong inabot ang 20 na bigay ni Jill.

Nakita kong may mga stuff toys do'n na premyo. May bears na iba-iba ang size. Pero ang pinaka-malupet ay 'yong stuff toy na halos kasing laki ng 3 year old na bata. Bukod sa mga bear, meron din silang mga naka-box na chocolate chips, candies at chichiria.

"Oh Jill, pili ka na kung alin sa mga pinaka-malaking stuff toys ang gusto mo!"

Napataas siya ng kilay. Halatang hindi siya naniniwala.

"Grabe 'yung self-confidence. Ni hindi mo pa nga alam kung tatamaan mo lahat 'yan!" Biro niya.

"Seryoso kaya ako," depensa ko.

"Ayokong umasa," biro niya.

Wala talaga siyang bilib sa 'kin! Sige I'll show her.

"Mas masakit ang magsisi sa huli!" sagot ko at sinimulan ko ang pagtira sa mga target.

Pinili ko 'yung pinaka-mahirap tirahin.

Sunod-sunod kong tinamaan ang mga ito.

After 10 shots...

"Ano? Naniniwala ka na?" turan ko kay Jill.

"M-malay ko ba na asintado ka!"

"So alin diyan ang gusto mo?"

" 'Yung pinaka-malaki do'n na mint green ang kulay."

Pinagmasdan ko ang kaniyang tinutukoy. It looks nice!

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon