“Maglilibut libot po sana tita kaso di ko kabisado ang lugar e.” tumango naman siya at pinatay ang tv, “Bakit hindi mo isama si Laura? Baka mabagot kayong dalawa dito? May mall naman pero sa downtown pa.” Huh? Downtown pa? Eh di sasakay pa ako ng jeep?

“Nakarinig ako nang lalakad? Sinong aalis?” bibong tanong ni Laura. Napailing naman kami ni tita. Gaya ko ay nakaligo na din siya. Nakasuot siya ng short at hanging blouse na red na may nakasulat na ‘kiss me’. Morena ang kapatid ko pero litaw na litaw ang kulay niya sa suot niya. Matangkad din kasi siya dahil nagmana siya kay daddy. Natural na mapupula ang labi niya ano nalang kaya kung maglilipstick siya? Edi ako na. Ako na insecure sa kapatid ko.

“Pasan ka?” tanong ko. Nginuso niya naman ako, “Sasama sa’yo.” Napailing nalang ako. Basta gala go lang ng go itong kapatid ko e. "Oh sige sige."

"Yey!"                                                                   

"So saan kayo paparoon ngayon?" napakamot nalang ako ng ulo. Wala talaga akong alam e. “Ah alam ko na. Doon nalang tayo sa parke ate!” nakangiting saad ng kapatid ko. Ngumuso naman ako, “Ano tayo bata?”

“Oo nga naman Tin. Maganda doon. Isang sakayan lang ng tricycle ‘yun mula dito.” Napaisip naman ako. Oo nga naman. Di na rin masama. “Sige tara.”

Nagpaalam lang kami kay tita at sumakay na ng tricycle papunta sa park. Pagkarating namin ay hinila ako ng isip bata kong kapatid sa may rentahan ng bike. “Ano Kristine racing tayo?” panghahamon ko habang sumasakay sa bike. Nang makasakay na kaming dalawa ng maayos ay ngumiti siya at tumango, “Oh sure. Why not.”

“Go!” natatawang sigaw ko at pinaandar na agad ang bike, “Hoy ate ang daya mo!” natatawang saad niya. Napailing nalang ako. Habang nagpepedal ako ng bike ay inilibot ko ang mata ko sa paligid. Malaki nga ang parke na ito kumpara doon sa amin. May mga tindahan ito ng fishball, kwek-kwek, isaw, halo-halo, at dirty ice creams. Nakalinya lang sila. May parang seaside din dito kaya naman marami rami ring tao dito. Nagulat naman ako nang makita ko ang kapatid kong tumigil sa isa sa mga bench na nandito.

Mas nagulat naman ako ng makitang kausap niya pala yung si Mark. Napalingon naman agad ang kapatid ko sa akin at pinamulahan ng pisngi. Di siguro inasahang makikita ko sila. Nagbike ako papalapit sa kanila.

“Well, I was looking for my brother and that’s my main purpose for going here. How about you?” naabutan ko pang tanong ni Mark sa kapatid ko bago ito lumingon sa kinatatayuan ko. Nakangisi naman akong nakatingin sa kanila. “Oh hi! You’re…uhm. Lauren right?” tumango lang ako. “Naks, naalala niya ako.” Nakangising saad ko.

Humalakhak naman siya. “Of course. How can I forget such a beautiful name?” saad niya bago kumindat. Napailing nalang ako. Alam ko naman kasing nambobola lang siya. “Oo nalang ako, Mark.”

“Hindi ka naniniwala?” taas ang kilay na tanong niya. Amusement is evident on his charming eyes. Napatawa naman ako, “Nope.” I said popping the letter ‘p’. Napatitig naman akong muli sa mga mata niya, “Your eyes look familiar.” Those eyes.

Kumunot naman ang noo niya, “Really? Where?” di ko nalang sinagot at umiling nalang. Nakita ko naman ang kapatid kong nakatingin lang sa amin. Nakasimangot ito pero nang makita ko siya ay yumuko siya at pinaglaruan ang dulo ng buhok niya. Then and there narealize ko na may gusto nga pala itong kapatid ko sa lalaking ito!

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon