Chapter 33

2K 49 25
                                    

Chapter 33



Ayokong buksan ang mga mata ko sa takot na makaharap ang isang masamang balita. Pero alam koppp rin namang hindi pwedeng lagi na lang akong magtago.


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang nakakasilaw na ilaw ng mini chandelier. Mini lang dahil talagang maliit lang ito at simple lang.


Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang isang pamilyar na pigura ng taong natutulog sa tabi ko. May saklay sa tabi niya at hawak hawak niya ang kanang kamay ko.


Parang naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya kaya't binawi ko ang tingin ko pati na ang kamay kong hawak kong hawak-hawak niya. Ikinuyom ko ito.


"Hmmm..." rinig kong saad niya na parang naalimupungatan. "Shit! Lauren! You're awake!" Aniya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ipinaharap sa kanya. Kinagat ko ang labi ko at umiwas. Hindi niya yon pinansin dahil parang excited na excited siyang gising na ako.


May pinindot siyang kung ano sa ulunan ko.Sa tingin ko'y yun yung emergency button. Di rin nagtagal ay may pumasok nang isang doktor at nurse sa suit room na pinaglalagian ko. Chineck ako ng doktor bago nginitian. "You look fine and your vital signs are fine. The baby is also fine, if your wondering. Just be very careful next time. I think the vitamins given to you by your ob-gyne worked dahil medyo lumakas ang kapit ni baby. Pero remember mommy ha? Sa susunod, 'wag nang magpapastress." tumango nalang ako. All I can think about is my baby.


My baby survived.


Gusto kong umiyak ng umiyak sa tuwa pero walang lumalabas na kung ano na reaction sa akin. Agad namang sumagot si Anton, "Yes, doc. We'll do everything to keep her away from stress." saka ito tumangin sa akin. Nagdugtong ang tingin namin at may kung anong emosyon ang mga mata niya pero umiwas ako.


Ayokong mabahing. I'm allergic to bullshits.


Nakaalis na ang doktor kaya't bumalik ako sa paghiga. "May gusto ka ba?" malambing na tanong ni Anton sa akin. Tinitigan ko siya. Gusto niyang malaman kung ano ang gusto ko? "Lumayo ka sa akin." malamig kong saad.


Natigilan naman siya sa pagcaress ng buhok ko. "R-Ren?" alanganing tanong niya na para bang hindi ako sigurado sa sinabi ko.


"Hindi ako nautal, Sylvestre. That's what I want."


Kung sana hindi seryoso ang sitwasyon ngayon, baka natawa pa ako sa itsura niya. He look so lost. Na para bang bigla siyang na-out of place sa sariling balat. Nanatili rin sa ere ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko kanina.


"Please..."


"I don't understand you. Hindi ba't eto naman talaga ang gusto mo? Ang mawala kami ng mga anak ko sa landas mo? Well I'm doing you a favor. Hindi ko ipagkakait sa'yo si Thoren. He is after all, your son." mahabang litanya ko.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon