Chapter 6

2K 43 14
                                    

Chapter 6



Habang papalakad si Anton ay tila may bomba ma sumabog sa utak ni Mark dahil bigla niya kaming iniwan at hinabol si Anton. Nagkatinginan naman kami ni Laura, "Nakuuu," panimula ko at hinila na si Laura nang makauwi na kami, "Mukhang espada rin ang type ng boylet mo, Kristine!" Naiiling na saad ko.



Nalaglag naman ang panga niya at sinamaan ako ng tingin, "Kadiri ka talaga, Ate!"



Umismid ako, "Eh bakit biglang iniwan ang beauty natin dito at hinabol si Anton? Yun nga kasi ang type niya. Tsk. Tsk. Tsk. Sayang na bata." Umiiling na saad ko.



Halos batukan naman ako ni Laura pero syempre di niya ginawa. Letse subukan niya lang, "Maka-bata ka naman ate! Halos kaedaran mo nga lang 'yun kung hindi mas matanda!"



Natigilan naman ako, "Oh? Ah basta, bata parin siya." Mas matanda pa yun sa akin? Shet baby face. Mukha tuloy corrupting minor tong kapatid ko.



"Baby face lang kamo 'yong si Ryder!" Aniya at dumila. Kumunot ang noo ko, "Ryder?"



Napapalatak siya, "Si Mark kasi Ate! Ryder Mark Sylvestre? Hello?" Aniya na para bang loka-loka akong hindi taga-Earth.



"Oh siya! Dryver na kung Dryver!" Pang-aasar ko at ngumisi sa kapatid kong inirapan ako.



"Ryder nga!"



"Dryver nga?" Saka ako humalakhak. Ngumuso naman siya, "Ewan ko sa'yo Ate, nakasama mo lang si Anton, nabaliw ka na." Napatigil siya na parang may narealize, "Teka ate, bakit mo nga pala ako sinenyasan na wag kong ipakilala si Anton kay Ryder?"



Napaisip din ako. Isa pa yung weirdo eh. "Hindi ko rin alam e. Ang alam ko lang napansin ko kasi na naninigas si Anton kaya nagassume ako na 'wag na lang sabihin. Ang weirdo nga nun eh, maayos pa naman ang turnilyo nun bago kayo dumating." Ani ko.



Imbes na seryusohin ako ay onasar ako ng gaga, "Soooo... sinasabi mo bang sagabal kami sa namumuong lablayp mo, ha ate?" Aniya at tinaas baba ang kilay. Napairap nalang ako. Etong batang to, mabigyan lang ng pagkakataon, aasarin ako ng aasarin tungkol sa none existent kong love life. Poor me.



"Alam mo? Ewan ko sa'yo. Umuwi na lang tayo at nasobrahan ka na ata ng daily dose mo niyang Dryver mo." Saka kami pumara ng jeep.



"Ryder nga kasi!" Aniya bago sumunod sa akin na hinalakhakan ko lang naman.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon