Heels & Sneakers

1.9K 25 6
                                    

Preview of the last installment

Heels & Sneakers:

Prologue

"Are you nuts!?" naiiritang sigaw ko at sinamaan ng tingin ang lalaking nasa harapan ko. Bumuga naman siya ng hangin, "No! Of course not." lumapit pa siya ng konti sa akin, "Nics, ayaw mo nito? this is your chanc--"

"No!" saka ko siya winalk-outan. Bwisit na lalaking 'to gawin ba naman akong--argh! Bigla niya naman akong hinablot papaharap sa kanya, "Please? Kailangan ko lang talaga ng tulong." saka siya ngumuso.

"Bwisit ka talaga Nathaniel!" saka ko in-on ang phone ko para tawagan ang mga kaibigan ko na di ako makakadalo sa bachelorette party kuno nila para kay Tin.

"Ha? Bakit?" tanong ni Leann, "Sayang naman!" napabuga ako ng hangin at nilingon si Nathan. Napairap ako ng makitang nakikipagharutan na naman siya sa ilang babae. Bwisit talaga.

"Oo nga e. Bwisit kasi ang timing."

"Oh siya. Sige ingat ka nalang." saka niya pinatay ang tawag.

Nilapitan ko naman si Nathan. Nilingon ako ng dalawang babaeng kasama niya, "Yes miss?" tanong ng isa habang ang isa naman ay tinaasan lang ako ng kilay.

Tinaasan ko sila ng kilay, "Alis."

Nakitang kong natawa si Nathan sa sinabi ko. Mamaya ka na sa aking gunggong ka. Suminghap naman ang dalawang babae, "Excuse me? Kung gusto mo ang babe namin wait for your turn." ani girl number one saka nila ako parehong inirapan.

"Aalis ka o magsisisi ka?" nakataas na ang kilay ko ngayon. Lumunok ang isang babae at bahagyang umatras hanggang makalayo pero yung girl number one ay di parin nagpapatinag. "Hoy jologs. Tigilan mo ako." saad niya.

Natawa naman lalo si Nathan sa sinabi ng babae kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Nahiya naman ang professional sa 'yo." ani ko sa babae. Tumaas ang kilay niya, "Ikaw professional? Ano? Professional janitress?"

"Iniinsulto mo ba ako?" seryoso na ang boses ko at natigil na sa pagtawa si Nathan. Nakita ko ring namutla na si gago. Dapat lang Nathan matakot ka sa akin. Bwisit ka. Lumapit ako sa babae at walang pasabing sinuntok ang tiyan niya na nagpatumba sa kanya. "Aww!" daing niya. Weak. Mahina pa nga yun e.

"Woah! Tama na!" saka ako niyakap ni Nathan sa bewang pero sinapak ko lang siya sa panga kaya't sapo-sapo niya rin ang panga niya, "Kung pipili ka nang kalampungan siguraduhin mong kaya ako at hindi ako iinsultuhin porke't nakajeans ako at di nakasuot ng damit na kita na ang kuyukot." saka ko siya inirapan.

"Who is she?" rinig kong tanong ng babae habang dumadaing.

"She is my fiancee." saad ni Nathan.

Napangisi nalang ako at sumakay ng kotse.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon