Chapter 38

2K 39 5
                                    

Chapter 38


"Hanggang kelan kayo rito Tine? Please stay for another month." Ani mommy. Yes. Nanay nila. Pinayagan niya na ako na tawagin siyang mommy. Hinimas ko ang ngayo'y eight months ko nang tiyan. Napangiwi ako sa gusto niya.

Ilang buwan na ba niyang hiniling na dito na muna ako. Simula nung makarating kami rito para icelebrate ang 2nd birthday ni Thoren ay pinaextend niya ako ng pinaextend. Hindi naman ako makaangal dahil ayaw rin naman ni Thoren umuwi at nagwawala kapag inilalayo sa daddy niya. Nagtatampo na nga ako sa batang iyon. Masyadong nagiging malapit sa tatay niya.

"Gusto ko po kasi sanang manganak sa Pilipinas eh." Sagot ko sa kanya.

"What's wrong with giving birth here?" Tanong naman ni Anton.

Napakamot ako ng pisngi. "Wala naman pero..."

"Then give birth here. Gusto ko rin makita na ipanganak mo si Mikael." Nagpaultrasound na rin kasi ako rito at nalaman kong lalaki na naman ang susunod na anak namin ni Anton. He was the one who named our second son.

Theo Mikael.

Napakamot ako ng pisngi ulit isang pamibagong mannerism na natutunan ko. "Fine."

"Then good!" Ani mommy. Ngumiti lang sa akin si Daddy.

Wala na rito sina Laura at Mark. Si Mark ang naghandle sa business nila sa Pilipinas at sabay na silang umuwi ng kapatid ko.

Wala naman akong ginagawa masyado rito dahil bawal akong gumalaw galaw masyado. Pakiramdam ko nga ako ang paralisado at hindi si Anton.

Speaking of which, hindi pa rin nakakalakad si Anton pero naguunder go siya ng mga therapy. Tuwing nakikita ko siya ay parang bata siyang tinuturuang maglakad ulit. Ilang buwan na ang nakalipas pero parang wala namang pagbabago. Ayokong punain yon dahil ayokong mawalan siya ng pag-asa pero minsan kahit wala akong sabihin parang wala na talaga siyang pagasa. Kahit siya ay bumigay na.

Pero hindi kagaya dati, hindi niya na ako tinutulak palayo. In fact, mas nagiging clingy siya sa akin. Hindi kami magkatabi matulog pero sinasamahan ko siya kapag umaga.

"Anton, bilisan mo kumain at sasamahan kita sa therapy." Ani ko habang sumusubo. Bahagya naman siyang natigilan. Maya maya ay binaba niya na ang kubyertos at pinunasan ang bibig niya. "Anton?"

"We're wasting our money here, Ren. I don't think I will be able to walk anymore." Pag-amin niya.

Natahimik naman lahat sa hapag sa sinabi niya.

"Anton, kailangan mong maging optimistic. Bago ka pa lang naman na nagtetherapy. Hindi ka pa umaabot ng taon malay naman natin." Umiling siya.

"Yun na nga yon. Ang sabi ng doctor baka four months lang daw. Lagpas na, Ren. Pero wala paring pagusad. Bago tayo pumunta rito dumaan na ako sa therapy sa pinas pero walang improvement. I still can't feel my legs."

Inis na tinapunan ko naman siya ng tingin. "Lahat ng tao dito umaasa sa'yo! Nakakainis ka naman eh! Lahat kami naniniwala na makakalakad ka pa kaya nga kayo lumipad papunta rito diba? Pero minsan kailangan din ng will. Kung wala kang will wala talagang paraan at hindi mo talaga magagawa!" Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng paghilab sa tyan ko. Napangiwi ako.

"Aww."

"Tine, are you okay?" Tanong ni mommy. Tatango sana ako pero sumakit lang ulit. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dugong tumutulo sa binti ko. "No!"

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon