Chapter 35

2K 36 9
                                    

Chapter 35


"Ren..."

"I really want to believe your words, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa." Pinunasan ko ang luha ko. "Namanhid na siguro. Kasalanan ko rin kasi eh, umasa ako sa pinapakita mo."

Niyakap niya ako, "No," pumiyok siya. "It's not your fault. It's all mine. I can't blame you. I was not the kind of guy you should be with. But I'm not sorry I married you. I never regretted it."

"I'm going to America, for therapy. Opposite ng pinapakita ko at sinasabi ko sa iyo, hindi gumagaling ang sugat ko sa paa at magta-tatlong buwan na. Mom's worried. Doctor said if this will continue I might lose my leg." Napasinghap ako.

"Before I go, I want things to be right between us. I want to leave with a peace of mind, knowing when I come back, my family would be still waiting for me. But I guess, I messed things up this time huh?" Yumuko siya at ginulo ang buhok niya.

"Will you still wait for me?" Tanong niya kalaunan.

Natahimik ako. Will I?

"I don't know..."

May tumulong luha sa mga mata niya. Pero ngumiti lang siya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you." Bulong niya.

Hindi ako nakahinga sa binitiwan niyang salita.

"I love you but I'm a little too late."

"Ang sarap naman pakinggan pero hindi kasi ganun kadali yun, Anton. This is not a romance teleserye, this is reality. Nagkakamali ka, nagkakamali ako. At kahit anong pilit natin, ko, magtiwala ay alam nating hindi ito basta basta. Hindi kasi pwedeng magsorry ka lang at mag-i love you eh ayos na lahat. Minsan kulang ang pagmamahal." Hindi siya umimik.

"Alam kong bumabawi ka sa amin. Prove yourself worthy, Sylvestre. Prove me wrong. Patunayan mong nagkamali ako na hindi agad kita pinatawad. Challenge ko na 'yan sa'yo. "

Ginawaran niya ako ng isang tipid at pilit na ngiti. "I will, I promise. Give me time and I will."

"Wag ka puro salita, gawin mo."

**

The next days were a blur. Same routine and everyday, may Raymond Anthony Sylvestre na bumibisita sa bahay. May mga times na dito na rin siya natutulog, pero sa guest room.

Iniiwasan ko siya.

Ang gulo ko. I told him to prove me wrong pero iniiwasan ko siya. Maybe because I still think everything is too early. I still think he's confuse. And I want to see kung totoo nga ang sinasabi niyang mahal niya ako.

Pakiramdam ko kasi that's impossible. Parang ang dali ng lahat. At ayoko nun. Nadala na ako sa mga bagay na minamadali.

Nung sa isla, we were young and foolish na we jumped into each other's bones not knowing the consequences. Then now, we got married because we had a son and I'm pregnant. Everything wasn't planned. And every single thing is a mess.

Noon, when I hear Nicole talking about patients with problems like this, I laugh at her. Who would've thought I'll be one of those girls? Yung mga babaeng magasawa pero one sided. Iba't iba kasi ang reason nun. Yung iba, they fall out of love, yung iba na-arranged marriage, yung iba naman mag-asawa lang dahil may anak. Gaya ng case ko.

"Ingat, buddy!"

Napatingin ako kina Anton at Thoren. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila. Hindi naman talaga ako sasama dapat pero hindi ako mapanatag na hindi ko nakikita si Thoren.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon