Chapter 37

2K 41 14
                                    

Chapter 37

"Ate kakatext lang sa akin ni Mark, nasa airport na raw sila ngayon at paalis na. Hindi pa daw nila sigurado kung kelan sila babalik." Bungad sa akin ni Laura.

Pinunasan ko ang bibig ni Thoren at nginitian si Laura, "Pakisabi sa kanya ingat sila."

"Ate aalis na si kuya Anton na hindi ka man lang nakikita pagkatapos ng ilang linggo."

"Dalawang linggo lang kaming hindi nagkita, Laura. Hindi naman siya mamatay kapag di kami nagkita." Pabiro kong sagot at umiwas na sa kanya. Kapag ganito na kasi ang daan na tinatahak ng usapan ay hindi niya na ako titigilan.

"Ate naman, isipin mo naman si baby at si Thoren. Palalakihin niyo sila na hindi kumpleto ang pamilya? Paano sila paglaki nila? Lumaki tayo sa kumpletong oamilya ate kaya alam mong masaya yon. Ipagkakait mo ba yon sa mga anak mo?"

Padabog kong hinampas ang dining table, "Tumigil ka na Laura ha, napipikon na ako sa'yo! Nagmamarunong ka na naman!" Nagtitimping saad ko.

Namasa ang mga mata niya at tinalikuran ako, "Magsisi ka sana sa desisyon mo ate!" Saka siya lumabas ng bahay. Napahawak ako sa sentido ko at minasahe ito.

Magsisisi sa desisyon? Napatawa ako ng pagak. Nagsisisi na ako ngayon pa lang pero tinatatak ko sa kokote ko na kailangan namin 'to.

Kailangan niyang pumunta sa states para magpagamot at kailangan naririto na lang ako para magkaroon kami ng space.

"Mommy? San daddy?" Napatingin ako sa nakakunot ang noong anak ko. Ngumiti ako sa kanya at kinarga siya.

"Si daddy mo ay nagpapagaling."

"Iwan niya si Thoren?" Malungkot na tanong nito. Bigla akong nahabag.

"Ganito nalang baby, gusto mo kapag pwede na sumunod tayo doon?" Tanong ko sa kanya.

"Punta tayo kay daddy?" Napangiti ako dahil buo na ang pananalita niya. Matalinong bata.

"Yes. Gusto mo?"

"Yes!"

"Sige kausapin natin si Grammyla ha?" Pumalakpak naman siya at nagpababa na para maglaro.

Napatingin naman ako sa anak ko habang naglalaro. Halatang masaya siya ng sinabi kong susunod kami sa daddy niya. Napabuntong hininga ako. Ganitong pagkakataon ang nagpapadalawang isip sa akin dahil alam kong masasaktan siya pag nalaman niyang nagbalak akong makipaghiwalay sa daddy niya.

Pero bata pa naman siya at wala pa siyang alam. Kahit matalino ang anak ko, bata lang rin siya.

**

"So, anong plano mo?" Tanong ni Jensen sa akin. Nagkita kita kasi kaming lahat rito sa isang coffee shop. Iniwan ko muna si Thoren kina Kir dahil nandoon ang mga anak ni Jensen na bata lang ng ilang buwan kay Thoren.

"Anong plano?"

"Diba hinahanap na ni baby Thoren ang fafa niya?" Sagot naman ni Camille.

Naikwento ko kasi sa kanila ang nangyari sa akin nitong nakaraang araw. Pinagbabatukan naman nila ako nang malaman nilang buntis ulit ako. Hindi ko pala nasabi sa kanila? Feeling ko nasabi ko na e.

"Ah, oo."

"Oh? Ano na ngang plano mo?" Sabat ulit ni Jensen.

Napakamot ako ng pisngi, "Eh hindi ko alam."

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon