Chapter 24

1.7K 35 11
                                    

Chapter 24


Naglilinis ako ng bahay ng biglang may kumatok sa pinto ko at tumunog ang doorbell. Nilingon ko ang natutulog kong anak at napangiti. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. Kumunot ang noo niya pero di nagising.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng babaeng hindi ko inaasahan na darating rito. "S-Solemn..."

Ngumiti siya pero halata ang pagod sa mata niya, "Pwede mo ba akong papasukin?" Nagaalinlangan man ay pumayag ako.

"Juice? Coffee? Softdrinks? Or water?" Offer ko pero umiling lang siya.

"I'm fine. Kakalunch ko lang." Napansin kong napatingin siya sa anak kong natutulog sa stroller niya.

"Pwede ko bang malaman kung bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya pero saglit lang dahil nagbreak down din siya. Awang awa ako sa kanya. Magkaibang hirap ang dinadanas namin pero hirap parin yun. "Gusto kong magalit sa'yo, Cristine. Pero bakit hindi ko magawa?" Umiiyak na tanong niya.

Namasa naman ang mga mata ko kaya pinunasan ko ito, "Kasi mabait kayo." Sagot ko.

"Wrong answer," aniya, "Dahil mabait ka. You don't deserve this. Gusto kong ipagdamot si Anton pero alam ko kung gaano niya kagusto magkaanak." Umiwas ako ng tingin. Hindi naman kasi ganun ang nakikita ko.

Bumuntong hininga siya, "You might not believe me now but someday you will."

"What's his name?" Tanong niya.

"Thoren Marco Javier." Kumunot ang noo niya.

"Shouldn't it be, Sylvestre?" Halata kong nasasaktan siya pero pinipilit niyang ipagsawalang kibo iyon. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Ayokong manggulo, Solemn. Hindi naman ako pinalaking ganun. Hindi ko gustong agawin si Anton sa'yo. Yes, I love him. Hindi ko idedeny. Pero anong purpose nun? Ayokong masaktan ang anak ko Solemn. At alam ko kung anong plano mo. Plano mong magparaya tama ba ako?" Ngumiti ako ng mapait.

Bakit hindi nalang siya maging masama? Yung tipikal na possessive girlfriend? Bakit kailangan halos sunayad na sa langit ang kabaitan niya? Bakit ganun? Hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya.

"He broke off the engagement." Napatingin  ako sa kanya dahil dun. "And it's fine with me. You both need him more than I do." Umiling ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Just promise me one thing,"

"No. Ayoko. Bakit mo ba to ginagawa, Solemn?" Angal ko pero ngumiti lang siya.

"Can you please take care of him?" Parang bombang pinakawalan niya ang mga salitang yon. Pakiramdam ko naman ay isa akong nauupos na kandila. Diyos ko po, tuluyan na ba akong nakasira ng relasyon? Diyos ko, ayaw ko po nito. Kailan po ba titigil ang paghihirap na ito?

"Please, Cristine. I know you can love him more than I could." Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.

"He hates carrots. Wag na wag mo siyang pakakainin nun. He loves to travel. He hates responsibilities pero hindi ibig sabihin ay iiwanan niya iyon sa ere. His favorite color is green. Tamad siya. Wala siyang alam na gawaing bahay--" hindi niya naipagpatuloy kasi napaiyak na siya. Hindi ko rin napigilan ang lumuha.

"He already knows how to cook, Solemn." Sagot ko. Naalala ko kung paano siya magluto noon kapag naabutan ko siya sa tinitirhan niya. "Hindi na siya ganun katamad. Nung nasa isla pa kami, kaliwa't kanan ang trabaho niya. Mahilig nga lang sa away." Bahagya kaming natawa pareho.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon