Chapter 27

1.8K 39 15
                                    

Chapter 27

Maaga akong nagising kesa sa kanya. Napakagat ako ng labi ng mapansin ko ang kanyang mga braso sa aking bewang. Biglang nag-init ang aking mukha. Teka, bakit nga ba ako mahihiya?

Inalis ko ang braso niya sa bewang ko at tumayo. Umungol lang siya at tumalikod at hinila ang kumot kaya't nahulog ang kumot na tumatakip sa katawan ko. Bigla akong napatili ng mahina.

Anak ka ng papaya!

Dali dali akong humiga at hinila ang kumot. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa. "Good Morning," bati niya sa bagong gising na boses.

Medyo kinilig ako kasi ang pogi ng boses niya.

"Ah, ano. Good Morning rin." bati ko ng hindi nakatingin sa kanya. Nagulat ako ng bigla siya pumaibabaw sa akin. What the?

"Anong ginagawa mo?" Laking pasalamat ko at hindi ako nautal. Ngumisi lang siya at nilapat ang labi sa akin. Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin.

The rest is history.

**

Nagising ako sa malakas na boses ni Anton sa loob ng banyo. Dahan-dahan akong umupo at tiningnan ang orasan. 5:34 ng hapon. Wala na nga pala kami sa yate at nasa isang isla na sa palagay ko'y pagmamay-ari nila. Halos magdamag rin kaming nakaburo sa kama. Bigla akong pinamulahan. At the same time naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba bumigay ako agad? Damn it.

"What do you want me to do, then?" Malakas ang boses ni Anton. Kinda muffled pero naiintindihan mo pa rin naman ang iilan sa sinasabi niya.

"You know I can't do that." Kalmado na ngayon ang boses niya. Sino ba ang kausap niya.

Pero nasagot rin naman ang tanong na iyon ng magsalita siyang muli, "Solemn," panimula niya, "Just wait for a year. Just for a year, baby. Then I'll file for an annullment. Then everything's back to how it was before."

Talo ko pa ang sinaksak ng patalim sa sinabi ni Anton. So temporary lang pala ang kasalang ito? Eh bakit nagpumilit pa siya? Dahil kay Thoren? He could fucking change my son's name! Hindi niya ako kailangang pakasalan.

Nasasaktan ako, yes. Pero mas nananig ang galit. Hindi ko pa naramdaman ang galit na ito simula noon. Siguro kahit ang pinakamabait na tao ay may limitasyon rin ang pasensya.

Some might say this is all my fault, some might say it's his. Pero isa lang ang nasisiguro ko, kasalanan ko man o hindi, I don't deserve this treatment. Naging marupok lang ako pero hindi ako pwedeng paglaruan. Pinakasalan niya ako? Panindigan niya dahil ngayong nasa kamay ko na siya. Wala akong balak na pakawalan siya.

I promised myself I'll give my son everything. And I'll do everything I can to give my son the complete family he deserves. Even if it means eating my pride. And ruining their relationship.

Tumayo na ako at lumabas. Nagpunta ako sa kusina para magluto. I'll start my plan now. Kailangan kong maging mabuting asawa sa kanya. Tiningnan ko ang fridge nitong rest house. May malaking fridge kasi rito at meron namang gulay at karne. I decided to cook adobo na lang. May pineapple chunks kasi akong nakita.

Naramdaman ko siya sa likod ko habang nagluluto ako. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. At bakit hindi siya tititig? Suot-suot ko ang damit niya at nakapanty lang ako. At oo, sinasadya ko ito.

"What are you doing?" Tanong niya.

Nilingon ko siya at bahagyang nginitian, "Nagluluto ako. Okay lang ba? Adobo. It's Thoren Marco's favorite."

Tumango naman siya, "No problem. I'm famished."

"Wait." Saka ko pinagpatuloy ang pagluluto.

Habang nagluluto ako bigla siyang nagsalita, "Kelan ang birthday ni TM?"

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon