Chapter 30

1.8K 37 15
                                    

Chapter 30 (The Real Chapter 30)


Hindi ako mapakali. I am pregnant! Magiging tatay na ulit si Anton. "Paano po nangyari yun? Sabi po sa akin ng asawa ko he's unable to produce a child. Miracle na maituturing ang panganay namin." Tugon ko sa doktora.


Tumango naman siya, "May mga kases na ganun kasi. That's not my expertise but I have a conclusion na gumaling na ang sinasabing damage. Pero para mapatunayan, ipacheck up mo ang asawa mo." Tumango nalang ako.


"I have to warn you, tho. Hindi ganun kalakas ang kapit ni baby. I'll give you vitamins para sa kapit. Iwasan ang stress. Eat healthy foods. Wag ka rin magpupuyat okay? Mukhang ilang araw ka nang walang tulog, don't do that. Makakasama yan sa baby. I think you know the rest since this would be your second right?" Tumango lang ako.


"Okay. I have to go. Pwede ka na ring lumabas later." Saka umalis ang doktora.


Napapikit ako ng mata. Iwasan ang stress? Edi kailangan kong iwasan si Anton? Siya lang naman ang rason ng stress ko eh. Ay meron pa pala. Ang nanay niya at si Solemn.


"Anong plano mo?" Napatingin ako kay Mark.


"Plano? Wala. Iwasan raw ang stress, so iiwasan ko ang asawa ko?" Saka ako tumawa ng bahagya. Pero hindi naman natawa si Mark sa sinabi ko. KJ!


"Ingatan mo ang sarili mo. You're carrying my nephew or niece." Paalala nito.


"Alam ko," ngumiti ako ng mapait. Anton, dalawang anak na meron tayo. Kelan mo ako mamahalin? Napailing ako sa naisip. I shouldn't ask for more. Masistress lang ako dahil alam kong ayaw niyang ibigay.


"Do me a favor, please wag mo munang sabihin sa kanila." Pakiusap ko.

"What?!"

"Please."

"No! They have the rights to know!" Asik niya.


Nagpanting naman ang tenga ko. "No they don't! Sa emotional stress na binibigay nila sa akin? Sila ang magiging dahilan kung makunan ako. And I don't want to hate them." Saad ko na nagpatahimik sa kanya. I guess I've proven my point.


"Please, Mark." pakiusap kong muli. Napipilitang tumango naman siya na siyang ikinatuwa ko. "Thank you!"


Nagring ang cellphone niya kaya't lumabas muna siya at sinagot ito. Tumayo naman ako at kinuha ang sandals ko. Ang doktor na rin ang nagsabing pwede na akong umalis. Napaisip pa ako kung magkaano ang babayaran ko since saglit lang naman ako. 


Napalingo-lingo ako upang hanapin ang bag ko pero mukhang naiwan ito sa taas. Inabala ko nalang ang sarili sa anak kong natutulog. Bahagya akong napangiti, "Kuya ka na baby boy. Natupad ang promise ni daddy sa iyo. Kaya kailangan niya nang magising diba?" mahina kong tanong rito. As if naman sasagutin ako.


"Tine!" nagulat ako nang biglang tawagin ako ni Mark. Huling ginawa niya 'yan ay binalita niyang naaksidente si Anton. Hindi ko na kakayanin ang isa pang stress. Pero napawi lahat ng pamumroblema ko ng mapansing nakangiti siya at mukhang magaan na ang aura.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon