Chapter 19

1.6K 38 5
                                    

Chapter 19


Nagising akong masakit ang buong katawan. Unang bumungad sa akin ang maputing ilaw. Ale nasa langit na ba ako? Iiling sana ako kaso parang may harang sa leeg ko kaya't kinapa ko ito.


"Mommy?" Tanong ng isang maliit na tinig. Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggagalingan ng boses at nakitang nakapatong siya kay Laura. Namumugto ang mga mata ng kapatid ko samantalang may bakas pa ng pag-iyak sa mata ng anak ko. Parang pinunit ang puso ko.


"L-laura?" Tawag ko sa kapatid ko. Naninibago ako sa boses ko. Para kasing hindi ako. Paos ang boses ko ngayon e.


Dahan dahan namang dumilat si Laura, "Ate!" Bati niya nang makitang gising na ako. Saka nagsituluan ang mga luha niya.


"Ate, ano ba naman ang pumasok sa kokote mo? Tatlong araw kang walang malay! Alam mo ba kung gaano mo kami tinakot? Ate naman." Reklamo ni Laura.


"S-sorry," mahinang saad ko. "Anong n-nangyari?"


"Sumalpok ang sasakyan mo sa puno. Iniwasan mo raw kasi yong lasing na driver na iyon! Buti nga sa kanya naka kulong na." Nakaramdam naman ako ng awa sa driver.


"D-di lang ang driver may kasalanan. A-ako r-rin kaya." Sabi ko sa kanya.


Hindi niya ako pinansin, "Kamusta ka na ate? Okay ka na?"


"O-oo. Hirap m-magsalita."


Sasagot pa sana siya nang may magsalita sa may pinto. Isang boses na di ko inaasahang maririnig ko pa.


"Anak?"


Nilingon ko agad ang pinanggalingan ng boses. Nagrereklamo ang leeg ko sa biglaang paglingon pero wala akong pakialam. My parents are standing in the doorway. "Nay, Dad." Ani ko.


Tinakbo ni nanay ang distansya namin at niyakap ako. Hindi sobrang higpit pero nangrereklamo talaga ang katawan ko. "Patawarin mo ako, nak. Pasensiya kung umabot sa ganitong pangyayari bago kami lumapit sa'yo. Patawad, Tine. Patawarin mo na kami."


Gusto kong magbiro pero masakit ang lalamunan ko kakasalita at wala pa akong boses na hindi ko alam paano nangyari, "A-ayos na po y-yun. S-sorry rin po."


"Shhh. Ayos na yon. Tanggap ka namin. Alam ko naman na may malalim na rason para sa nangyari." Sabi ni daddy na nagpaiyak sa akin.


Miss na miss ko na sila. Simula nang itakwil nila ako ay talagang nabawasan ang pagkatao ko. Mga magulang ang laging naririyan para sa iyo. Medyo natagalan bago ako tinanggap ulit pero worth it. At least ngayon, alam ko nang hindi naman talaga ako nag-iisa.


Natahimik sila kaya nagtaka ako. Nakita kong nakatingin ang mga magulang ko sa pogi kong anak. Napangiti ako dahil ang inosente ng mukha nito habang naka-thumbsuck. Namasa ang mata ni nanay, "Siya na ba?"

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon