Chapter 22

1.7K 35 0
                                    

Chapter 22



"Daddy please! Wag! Parang awa niyo na daddy!" Tili ni Laura nang kaldkarin ako ni daddy dahil hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.


"Laurence ano ba?! Nasasaktan ang anak mo!" Sigaw ni nanay at pilit na inaalis ang kamay ni daddy sa akin.


"At ano, Cristy? Ha? Pababayaan mong maging single parent itong anak mo?! Kung hahayaan mo yun. Pwes ako hindi!" Buti na lamang at mukhang tulog pa si Thoren hindi ko gugustihin makita niya kaming ganito.


"Magbihis ka na." Malamig ang boses na sabi ni daddy sa akin bago sinara ang pinto. Napaiyak ako. Alam ko. Alam kong manggugulo si daddy sa mga Sylvestre. At ito na nga ang iniiwasan ko. Baka kung ano na naman ang sabihin sa akin ng nanay nila Mark. Worse, baka hindi lang sa akin. Baka pati anak ko idamay niya.


Alanganin akong nagbihis ng simpleng puting pantalon at pink na polo shirt. Nagsuot na rin ako ng pink na doll shoes. Pumunta ako sa kwarto ni Thoren at nakitang gising na siya at nakathumbsuck.


"Mommy?" Malambing na tanong niya. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "Bihis ka na baby boy? May pupuntahan tayo."


"Saan tayo punta?" Medyo bulol na tanong niya. Kumuha ako ng Blue na shirt na may Spiderman na tatak saka puti na shorts at blue rin na sapatos na bigay pa ng ninang Jensen niya.


"Basta. Naligo na ba ang baby boy ko?" Tanong ko at tumango naman siya kaya kinuha ko nalang ang pulbo at pinulbohan siya sa buong katawan. Habang inaayusan ko ang anak ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nalalapit na paghaharap nila ng tatay niya.


Hindi ako makapaniwala. Sa tagal ng pagtatago ko sa kanya ay mababalewala lang rin pala. Gusto kong tumakas pero paano naman ako makakatakas kung sigurado akong bantay sarado kami ni daddy ngayon? At kahit tumakas ako alam kong pupuntahan niya parin ang mga Sylvestre.


Nang mabihisan ko siya ay pinaupo ko lang siya sa crib niya kasama ang laruan niya. Saka ko inayos ang bag na dadalhin. Nagdala ako ng extrang damit, gatas, feeding bottle at pamunas. Nilagay ko ito sa baby bag ay sinukbit saka ko kinuha si Thoren na hawak ang laruan niya. "Tara na?" Pilit ang ngiti na ibinigay ko sa anak lalo na ng ipatong niya ang ulo sa dibdib ko.


Pagkababa namin ay hindi ako pinansin ni daddy at nakita kong hilam ng luha ang mukha ni nanay at Laura. Parang may kabayo sa dibdib ko sa lakas ng kabog. Nahihilo at nasusuka ako sa sobrang takot at kaba. Nanlalamig na rin ang mga palad ko at pinagpapawisan ako ng malapot. Hindi ko talaga gusto ang mangyayaring ito.


Tahimik akong sumakay sa kotse ni daddy sa likod. Katabi ko si Laura habang nasa harap naman si Nanay katabi ni daddy. Kahit pa nagbubulungan lang sila alam kong nagtatalo sila. Napayuko ako. Ano ba itong gulong dinulot ko?


Tahimik lang ako buong biyahe. Hindi na rin pinapansin ni nanay si daddy. Malamang alam niyang hindi na pwedeng magreason out pa kay daddy. Natatakot talaga ako sa magiging resulta kaya hindi ko napigilang mapaiyak.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon