Chapter 36

1.9K 46 10
                                    

Chapter 36

Yakap yakap ko si Thoren na umiiyak. Kasalukuyan kaming nasa emergency room. Nagpanic ang lahat ng sabihin ni Anton na hindi niya maramdaman at maigalaw ang paa niya. Hindi namin kasama ang tatay at nanay nila dahil inihatid nito si Solemn sa presinto.

"Mrs. Sylvestre?" Napalingon ako sa nurse. Ngumiti siya, "Nailipat na po si Mr. Sylvestre sa room niya. Kakausapin daw po kayo ng doktor sa next rounds niya."

"Thank you,"

Tahimik ako habang paakyat ng 4th floor ang elevator. Dun kasi ang room ni Anton.

"Daddy?" Tanong ni Thoren. Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya. "He'll be fine, baby."

"So you mean to say I can't walk anymore? Fuck!"

Yan ang nabungaran namin. Namasa ang mata ni Thoren at akmang iiyak nang patahanin ko.

"It's not like that. You can still have a therapy, gaya ng sinabi ko noon. Sa States. But that would be a very long time."

Hindi sumagot si Anton kaya't sumabat ako. "We will, Doc. Pupunta kami sa States. I'll tell my mother-in-law. Thank you." Nag-excuse ang doktor at unalis na.

Masama ang tingin sa akin ni Anton. Intindihin mo siya, Tine. Hindi maganda ang pakiramdam niya dahil hindi siya makalakad. "You don't get to decide." Mapait niyang saad.

"Why because I'm just your wife?" Sarkastiko kong sagot. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya pero panandalian lang 'yon.

"Go home." Malamig niyang saad. Napikon ako.

"Ayan!" Sigaw ko. Umiiyak si Thoren dahil sa gulat pero hindi ko na gaano pinansin. Niyugyog ko nalang siya para tumahan pero nagpatuloy ako, "Ayan! Diyan ka magaling! Ang itulak ako palayo. Lalo mo lang pinapatunayan sa akin na hindi ka talaga deserving. Tanggapin mo na at one point of your life, magiging mahina ka rin."

"You want me to believe you? You want me to believe that you love me? How? How can I do that kung ganito pa lang ganyan na ang reaksyon mo?" Nanggigigil na sagot ko. Tahimik lang siya at walang sinasabi.

"Nakakapagod kang intindihin. Lalo na kapag ganyan ka. Tama lang talaga ang desisyon ko humiwalay muna sa'yo."

"I'm sorry..." aniya.

"Kung ang lahat ng bagay napapatawad ng katagang 'Sorry' para saan pa ang pulis at lawyer?" Wala nang nagsalita pa sa amin at tanging hikbi ni Thoren ang nanaig sa buong kwarto.

"What happened here?" Tanong ni Mark pagkarating niya. Umismid ako at hindi na nagsalita.

"Ano ba naman kayo?" Inis na saad ni Mark at kinuha si Thoren mula sa akin. "Nag-aaway kayo sa harap ng bata? Buti pa wag nalang kayo magsama."

"Talagang hindi na dapat kami magsama! Dalhin niyo na sa States ang lalaking iyan. Ang daming arte sa buhay!" Saka ako lumabas. Alam ko namang iingatan ni Mark si Thoren. Kailangan ko lang talagang magpalamig ng ulo. Mawawala rin naman ito, gaya ng dati.

Nagshopping ako at namili ng iilang damit para kay Thoren. Binilhan ko na rin si Anton ng sweatpants dahil iiwasan na muna niya dapat ang jeans dahil mahihirapan siya.

Pagkarating ko sa ospital ay naabutan ko si Anton na nakaupo sa isang metal na silya. Nagkatitigan kami pagpasok ko pero walang umimik na kahit sino sa aming dalawa. Nakita kong napabuntong hininga siya.

"I messed up, didn't I?" Biglaang sabi niya kaya naguluhan ako.

"I messed up big time that whatever I say, you still won't believe a thing that comes out from my mouth." Hindi na ako umimik dahil totoo naman.

Minsan kahit ako naguguluhan sa nangyayari sa aming dalawa. We're okay then we're not. I want him to love me but when he said it I felt like it was pure bullshit. Ano ba talaga?

"Anton hindi ka pa ba napapagod? Ang gulo gulo ng nangyayari sa ating dalawa. Parang minadali lahat. Ni minsan ba hindi mo inisip na bigyan muna natin ng space ang isa't isa?" Hindi siya agad umimik sa sinabi ko. Mga ilang minuto rin yon.

"Naguguluhan rin ako. Napapagod? Maybe." Makahulugan niyang sagot.

"Bakit di nalang kaya tayo maghiwalay, Anton? It's simple and it's plain, hindi mo pa naaalis sa sistema mo si Solemn kahit pa nagawa niya yan sa'yo," tukoy ko sa kalagayan niya ngayon. "Mahal kita. Mahal na mahal. Kahit saglit lang kitang nakilala sa isla noon nahulog na agad ang loob ko sa'yo, pero Anton naman. Naglolokohan na lang tayo rito eh. Sasabihin mong ako ang buhay mo pero hindi ka naman masaya sa akin."

Nginitian ko siya ng pilit, "Mahal kita at makasarili ako. Ayokong maging buhay mo kung hindi ka masaya sa akin. Ayokong sabihin mong mahal mo ako kung kahit ikaw hindi makapaniwala sa iminumutawi ng bibig mo. Ayoko nun. I want more than that, Sylvestre. I want more than empty promises. Can you give me that?" Hindi naman siya nakasagot. Bumuka sara lang ang bibig na parang isdang wala sa tubig.

"You can't give me that, Anton. So please, let me go. Gusto mo lang ako sa tabi mo kasi kailangan mo ako na parang hangin, hindi mo ginusto pero para mabuhay kailangan mo. Gusto ko ay gustuhin mo ako sa tabi mo dahil gusto mo talaga hindi dahil kailangan. Naiintindihan mo ba?"

Kanina ko pa talaga pinagiisipan ang mga pinagsasabi kong ito habang nagpapalamig ako ng ulo. I realized we rushed into things kaya't magulo ang dulo. We met sa isla, nahulog ang loob ko sa kanya, he got me pregnant, after 2 almost 3 years we saw each other again, he met my son, we got married. Everything hanggang sa puntong ito ay parang minadali. At napapagod na ako sa sisteng ito.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "A-Anton..."

"I can't, Ren. I can't let you go, but I still can't forget her. Anong gagawin ko? Siya kaya kong hindi makita but not you. Ren, kahit ako gulong gulo na." Nagulat ako ng mabasag ang boses niya. Para bang fristrated na frustrated na siya sa nangyayari sa buhay niya.

"You really need to make up your mind, Anthony. You can't have two girls for yourself. Choose who to keep and who to let go. In our case, I'm asking you to let me go." Pakiusap ko pero umiling siya at mas binaon ang mukha sa leeg ko.

"Trust me when I say I love you. I really do love you, Ren." Huminga ako ng malalim. Alam ko pero hindi sapat. Gusto kong sabihin sa kanya pero wag na.

"You'll learn to move on and I will try too. We keep on destroying each other so we need to be away from each other." Saka ko siya marahang tinulak palayo sa akin at lumabas sa kwarto niya. Pagkalabas ko ay pinakawalan ko ang pinipigilan kong luha.

Ang hirap. Ang hirap aminin na hindi niya ako kayang mahalin ng buong-buo. Ang hirap tanggapin. Kung sana ako nalang ang una niyang nakilala. Kung sana ako nalang ang una niyang minahal. Kung sana hindi ganito ang sitwasyon namin.

"Cristine..." napatingin ako sa tumawag sa akin at nakitang nanay pala nila yon. Pinunasan ko agad ang luha ko at tumikhim. "Ma'am..."

"I'm sorry. I really am. I was too blind to see that you actually care for my son more than Solemn did. I'm sorry for making things hard for you. And I'm sorry for asking this but please don't give up on Raymond. He needs you, Cristine." Umiling ako.

"Hindi ko na po kaya. Hindi ko na kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Pareho lang kaming nagsasakitan. Para kaming dalawang batong pinagkikiskis kapag pinagsama. I promised him I won't give up pero kinakain ko na agad ang pinangako ko. Hindi ko ilalayo si Thoren at ang magiging anak namin sa inyo dahil pamilya pa rin naman niya kayo pero didistansya na po ako." Mahabang paliwanag ko.

"Please, Cristine." Pakiusap niya sa akin.

"Ayoko nga po! Alam kong iniisip niyo lang ang anak niyo pero ayoko na po talaga. Hindi po muna ngayon. 'Wag muna po ngayon." Saka ko siya iniwan.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon