"Babe, inggit ka ba? Sorry na." nanlaki ang mga mata ko. Natawa naman sina manang at Tita Krista sa inasal ni Anton. "Hay nako, Tin. Ikaw lang ata ang hindi nahahalina sa Anton Virus." naiiling na saad ni Tita at kumindat kay Anton na nakangisi ngayon. 

I scoffed. "Talaga! Di ko type ang malandi." nakairap na saad ko. Tumaas ang kilay ni Anton, "Words hurt, babe." saad niya at kumindat. Pamura pwede? Hutang*na! Oo na gwapo na ang tukmol na 'to. 

"So Ma'am Krista, saan ko po ba ilalagay to?" tanong niya kay tita. Di ako umimik at umupo ulit sa tabi ng kapatid ko na nakatitig parin hanggang ngayon kay Anton. Nainis naman ako bigla kaya kinurot ko siya, "Kalandian mo oy!" bulong ko sa kanya at pinanlakihan siya nang mata. Ngumisi lang naman siya at nag-peace sign sa akin. 

Nang mailagay na ni Anton ang tatlong galon ay lumapit siya sa kinaroroonan ni tita, "Sige po ma'am, aalis na po ako." nakangiti niyang saad. Pansin ko din ang pawis na pawis siya. Dahil siguro sa pagkakarga ng tatlong mabibigat na galon ng tubig. Napansin ko din yung pasa niya sa may kanang bibig. Naalala ko naman daw ang dahilan nun at bigla akong nakonsensya. Tumikhim ako at nagiwas ng tingin ng nagsilingunan na sila sa akin. 

Lumunok ako at pinaglaruan ang daliri ko, "Kumain ka muna." nakayuko kong saad. God. Parang kanina lang dinedeny ko na type ko tong lalaking 'to ngayon naman niayaya ko? Ayos ka rin Cristine Lauren ano? Ayos talaga! Ayusin mo buhay mo! Sabog ka na!

Ngumiti naman siya sa akin. Unang beses mga pare! Unang beses siyang ngumiti na walang halong kalokohan, "Sige ba." 

**

"Salamat sa tanghalian." saad niya sa akin habang nandito kami ngayon sa may gate. Napagdiskitahan kasi ako ng mga tao sa loob nang bahay na ihatid daw si Anton kahit sa may gate lang. Tingnan niyo! Parang kulang nalang ibenta ako ng mga tao dito! Di ba nila alam na special tong beauty ko at hindi pang GRO? Okay. Titigl na ako at kung ano ano na ang iniisip ko. 

"Walang anuman." okay. This is awkward. Di naman sa unang beses ako naghatid ng lalaki sa gate. Meron rin naman akong kaibigang mga lalaki at kapag dumadalaw sila sa bahay e ako ri nang naghahatid. Iba kasi ito. Hindi ko kasi kilala tong lalaking to. Napakamot naman ako ng ulo nang may maalala ako. 

"Ewan ko ba. Napakamisteryoso ng batang iyan. Simula nung dumating yan dito tatlong buwan na ang nakakaraan ay wala parin kaming alam sa kanya kundi Anton."  naalala ko naman agad ang sinabi ni Nana Marcie. 

"Ah Anton?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. Ohlala. Ang gandang timing naman ng araw! Pagharap niya ay may kontingsinag na nagrereflect sa features niya sa mukha. Hunghang! Mukhang imported! "Bakit?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay. Ano bang meron sa kilay nito at taas ng taas. Althoug, in all fairness hindi naman siya mukhang bading. Langhiya ang pogi nga e! 

"Saan ka galing? I mean, nabanggit ka kasi ni nana Marcie sa akin at sabi niya..." I trailed off at kinagat ang labi ko. Pano kasi nung sinabi ko yun bigla siyang nahinto sa paglalakad at nanigas. Lumunok naman agad ako, "Uhm, pasensya na. Did I say something offensive? Pasensya na talaga." hingi ko nang pasensya. 

Bumuntong hininga naman siya bago ngumiti sa akin. Shet. Nalaglag na ata ang lahat ng pwede malaglag sa akin, "Ayos lang. Wag mo na lang ulit yang tatanungin sa susunod." nakangiting saad niya pero alam kong seryoso siya. 

Pero dahil nga kabuntot na nang pangalang Cristine Lauren Javier ang salitang makulit, nagtanong ulit ako. Hindi ako si Flor De Luna o di kaya si Anghelita ano kaya syempre mangungulit ako, "Pero bakit?" 

Sumeryoso naman ang mukha niya bago ako hinarap, "Kasi wala akong maalala." yun lang at iniwan niya ako. Nandito na pala kami sa gate hindi ko man lang namalayan. At ano daw? Wala daw siyang maalala? Kawawa naman siya? Paano kaya siya napunta rito? Aksidente? Dahil naman sa naisip ko bigla akong nagkaroon ng urge na kaibiganin siya. 

"Nana!" tawag ko kay nana pagkapasok ko nang bahay. "Oh hija bakit?" tumabi naman ako sa kanya dahl naghuhugas siya nang plato. "Si Anton nga po? Natanong ko kasi sa kanya kung saan siya galing. I mean bago siya mapunta dito--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang suminghap si manang. 

"Oh anong reaction? Sinigawan ka ba? Ano? Bakit mo sinabi?" natatarantang tanong niya. Nagulat naman daw ako. Ganun ba ang reaction niya kapag tinatanong sa kanya yun? "Hindi po nana. Ngumiti lang siya at sinabihan akong wag ko na daw siyang tanungin ulit nang tungkol doon." bumuga naman siya nang hangin bago ngumisi. 

"Hija, kakaiba ka talaga. Alam mo bang ang ibang babaeng tinatanong siya niyan ay sinisigawan niya? Kumbaga parang kakaibang Anton ang nakikita nila kapag tinanong nila si Anton niyang tanong na yan. Wari ko'y ayaw niyang sabihin sa lahat kung saan siya galing." umiling naman ako na kinakunot ng noo ni Nana Marcie.

"Hindi niya po kasi maalala kaya ayaw niyang sabihin." saad ko. Ngumiti naman si manang ng makahulugan, "Hija pakiramdam ko;y may gusto sa iyo yang si Anton. Ang bilis niya lang ikaw pinagkatiwalaan." nakangiting saad ni manang na wari'y nanunukso. Umirap lang ako ng pabiro, "Si nana talaga! Hindi yun. Nacha-challenge lang siya sa akin kasi hindi niya ako napapaikot sa mga palad niya." proud na saad ko. 

Hinugasan naman ni manang ang huling plato bago ito pinunasan at inilagay sa lalagyan ng mga plato, "Pero hija, umamin ka. Anong tingin mo sa mukha ng batang iyon? Gwapo ba?" tumataas taas pa ang kilay ni nana. 

Nagkunware naman akong nagiisip at nilagay ang kamay ko sa bewang, "Hmm," pabitin ko. Ngumisi naman si manang. "Gwapo." saad ko na nagpahagikik sa aming dalawa. 

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon