Pagkaupo ko sa tabi niya, mukha naman akong tanga. E, hindi niya kasi ako kinakausap! Pusanggala. Pinaupo niya pa ako, di naman pala magsasalita.

Puro lang siya tugtog sa piano. Minsan may tono, minsan paiba-iba. Ano bang trip nito?

"May nakain ka ba?" naiinis na tanong ko. "Kumain ka ba ng ugat ng singkamas? O baka ngumata ka ng battery? Adik ka ba?"

He glanced sideways but never turned his head. Ano ba problema nito?

"Naalala mo si Nina?" natigilan ako sa tanong niya. 

"Oo," I said awkwardly. "Bakit?"

I am trying my best not to sound so curious. Baka mahulaan niya pang nakita ko sila kanina.

"Gaano ba kahirap intindihin ang salitang 'ayaw kitang makita'?" saka lang siya lumingon. 

"Sya ba 'yung tumawag?"

Ilang segundong nag-hang sa ere 'yung tanong ko, at bigla siyang tumawa nang mahina na parang nagbitaw ako ng funniest joke of the decade.

"May similarity pala sila ni Brent," my forehead creased. "Parehong nagpapakita pag ayaw mo. Parehong magulo, pag ayaw mo."

Umayos na lang ako ng pagkakaupo dahil hindi ako kumportable sa usapan. 

Hinihintay ko siyang ikwento ang nangyari kanina, o kahit 'yung naging relasyon nila ni Nina pero wala na siyang dinugtong sa huling sinabi niya. Ayoko namang itanong, baka wala rin akong mapala.

Nagkaroon na naman siya ng sariling mundo, at nagtipa sa piano. This time, napangiti ako dahil ito lang ang song na pamilyar sakin simula kanina.

A sweet and very inlove song.

I wasn't expecting him to sing, but he did. Habang naririnig ko ang mahinang boses niya, nakatitig lang ako sa kanya-- kahit side view siya.

His eyes look like it was dipped in water. His eyelid. Yung hagod ng ilong niya. Mukha siyang sculpture.

"It's her hand and her eyes today. That just simply take me away." He smiled, not looking at me. 

"And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver, but in a good way..."

Hindi ko naman ina-assume na kinakanta niya 'yon para sakin. Malay ko ba kung para kay Nina? Nevertheless, my heart is touched by his voice. Obvious na obvious na kinakanta niya ang Out of My League galing sa puso. Parang nung kumanta siya sa gym namin.

Ganitong-ganito ang feeling niya sa kanta, pero mas malakas ang heartbeat ko. Siguro dahil mas malapit siya ngayon.

O dahil nga siguro carrier talaga ako ng Catacurensha disease.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now