Epilogue

20.7K 640 36
                                    


"Bakit naman kasi doon mo pa gustong mag-aral? Malayo na nga si Curt tapos susunod ka pa sa kanya. Ano nang mangyayari sa akin dito?"

Nilapitan ni Kat ang kanyang mama at niyakap. Tinutulungan siya nitong mag-empake ng mga gamit para sa kanyang paglipat. 

She decided to go to the same college that Curt is attending. Doon din papasok si Vanessa at ang boyfriend nitong si Ken. It will be like high school again. Magulo. Masaya.

Pakiramdam naman ng mama niya na mag-isa na lang ito sa bahay nila kaya't heto at umiiyak ito.

"Ma, nandito naman si ate Alaina. At isa pa, uuwi ako every weekend gaya ng ginagawa ni Curt. At puwede ka rin namang bumisita sa amin doon, ah," ang sagot niya rito at niyakap ito ng mahigpit.

"Susunod nito, makakalimutan 'nyo na ako," emosyonal na sabi ng mama niya.

"Ma, ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi ka nami makakalimutan. Ikaw lang ang nag-iisang mama at papa namin. Utang namin nina ate Alaina at Curt ang mga buhay namin kaya't hindi ka namin makakalimutan," muling niyakap ni Kat ang ina. "Promise, uuwi kami dito every weekend kasi ma-mi-miss ko ang mga luto mo."

Napatawa ang kanyang ina. Napangiti naman si Kat.

"Ang luto ko lang pala ang ma-mi-miss mo," tumatawang sbai nito habang nagpupunas ng luha.

Nakarinig sila ng katok sa pinto. Sabay silang napalingon. Biglang bumukas ang pintuan at nakita nila si Jacques.

Nagulat ito nang makita ang mama niya.

"I...I'm sorry. Sabi kasi ni Alaina puwede raw akong umakyat," sabi nito habang kumakamot sa ulo. "Sa baba na lang ako maghihintay—"

"Pumasok ka, Jacques. Tulungan mo sa pag-eempake itong si Kat. Hindi ko alam kung kailan pa matatapos ito," ang sabi ng mama niya habang nakatingin sa nagkalat na mga gamit ni Kat.

Pagpasok ni Jacques ay dumiretso naman ng pintuan ang mama ni Kat.

"Jacques, huwag pababayaan 'yang si Katarina, ha," ang sabi nito at tuluyang binuksan ang pintuan. "And this door will stay open."

Napatawa si Jacques sa narinig.

"Opo," sagot nito. "Thank you po, tita."

Tumango lang ang mama ni Kat at lumabas na ito ng silid.

Lumapit naman si Jacques sa kama ni Kat at hinalikan ito sa pisngi.

"Hi, troublemaker," malambing na sabi nito. 

"Hi," nakangiting sagot ni Kat.

 Ininspeksyon ni Jacques ang silid nito. First time niyang makapasok sa kwarto ni Kat.

Isang taon na ang nakalipas at going strong pa rin ang dalawa. Tinupad nga ni Jacques ang pangarap ni Kat na magka-boyfriend habang nasa high-school. And Jacques has been a very good, loving and loyal boyfriend for Kat.

"Nakahanap ka na ng matitirhan?" Ang tanong ni Kat dito.

They will go to the same university. It was Jacques plan to wait for her na makatapos ng high school para sabay silang mag-college.

"Yep. Harper owns a five-story apartment building. He lives on the entire fifth floor and he offered me a room for free. Ang mas masaya ay malapit lang ito sa dormitory na tutuluyan mo," ang sagot ni Jacques habang pinagmamasdan ang mga stuffed toys na nasa kama ni Kat. Pagkatapos ay napatingin siya sa mga damit na naroon. Nakita niya ang kanyang denim jacket. "Nandito lang pala 'to. Ang tagal ko to'ng hinanap, ah."

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now