First Kiss Fever

14.3K 508 37
                                    



Nang gabing 'yun ay hindi makatulog si Kat. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya ni Jacques.

Nagtago siya sa ilalim ng kumot at pilit na ipinikit ang mga mata. Ngunit sa halip na makatulog ay naalala niya angnakapikit na mga mata ni Jacques noong halikan siya nito.

Gaahhh! Why? Why? Why?

She touched her lips with her finger. They feel the same but she knows they're not the same. She felt tingles running through her spine at naalala niya ang tamis ng halik ni Jacques. She can also smell his scent.

She just had her first kiss. Not with her first boyfriend, gaya ng pinapangarap niya, but with her brother's best friend.

"I have always wanted to do that."

I have always wanted to do that? Ano bang ibig sabihin ng mga salitang 'yun? 

Tama ba si Vanessa nang sabihin nitong may gusto sa kanya si Jacques?

Imposible!

Imposibleng magkagusto sa kanya si Jacques.

Sino ba naman siya? She's Katarina, just a plain high school student. Hindi pala plain. She's a troublemaker. Hindi lang pala troublemaker. Undateable troublemaker. Paano ba magkakagusto sa kanya si Jacques?

How about her? May nararamdaman din ba siya kay Jacques? Kinapa niya ang kanyang didbib. Her heart started to beat faster.

"Magsalita ka nga diyan. Huwag 'yung puro ka lang kabog nang kabog," ang sabi niya.

Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig. Ayaw niyang marinig siya ng kapatid niyang mahimbing na natutulog sa kabilang kama.

"Then let me be your first boyfriend."

Naalala niya na naman ang sinabi ni Jacques. Seryoso ba ito sa sinabi niya? O baka pinaglalaruan lang siya nito?

Kung may gusto ito sa kanya, bakit siya tinulungan nito sa mga prospects niya? Tama rin ba kaya ang hinala ni Vanessa? Na nais ipakita ni Jacques sa kanya na he's better than her prospects?

"Then let me be your first boyfriend."

"Then let me be your first boyfriend."

"Then let me be your first boyfriend."

"Then let me be your first boyfriend."

"Then let me be your first boyfriend."

Tinakpan ni Kat ang kanyang mga teynga. Naririnig niya pa rin ang boses ni Jacques. Ano na bang nangyayari sa kanya?

Paano niya haharapin si Jacques sa school pagdating ng lunes? Siguro dapat niya itong iwasan.

"Then let me be your first boyfriend."

Papayag ba siya na maging boyfriend si Jacques? She closed her eyes. Hindi niya alam ang kasagutan sa tanong na 'yun.

Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya. At kahit nakatulog na siya ay hindi pa rin siya tinantanan ni Jacques. Napanaginipan niya ito. Napanaginipan niya ang nangyari sa kanila sa sasakyan nito.


***


"Kat!"

Napakunot ang noo ni Kat habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Nararamdaman niyang may tumatawag sa kanya.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now