Winners & Losers

11.8K 526 39
                                    

Raw and unedited. Please be kind. :)


"I am really sorry, Creed."

Malungkot ang mukha ni Kat habang nakatingin sa nakayukong si Creed.

"Napakabait mong tao. You're a good catch. Kahit na sinong babae gustong maging girlfriend mo," taos-pusong sabi ni Kat. Sa loob ng ilang linggo na pagkakilala niya kay Creed, wala siyang ibang masabi kundi tungkol sa kabutihan at kabaitan nito.

This time ay napatingin si Creed sa labas ng bintana. Nasa Burger Place sila at nag-uusap. Ang lugar kung saan unang nagkita ang dalawa.

"Yeah, maliban sa'yo," mahinang sabi nito habang nakatanaw sa malayo.

Alam ni Kat na nasasaktan ito sa sinasabi niya. Pero mas nanaisin niyang masaktan ito ngayon habang hindi pa nahuhulog ang loob nito sa kanya.

Hinawakan ni Kat ang kaliwang kamay ni Creed na nakapatong sa mesa. Napatingin ito sa kanya.

"Sana maintindihan mo. Masayadong komplikado ang mga bagay-bagay sa buhay ko at ayokong madamay ka."

"There's someone else, right?" Tanong ni Creed, punong-puno ng hinanakit ang boses nito.

"Creed—"

"Just tell me the truth. I know there's someone else."

Napabuntong-hininga si Kat. Pagod na siya sa pagsisinungaling. She's hurt a lot of people at kailangan na niyang itigil ito.

"It's complicated," ang sagot ni Kat. Inaamin niya sa sarili na kahit anong gawin niya ay hindi talaga nahuhulog ang loob niya kay Creed. Mabait ito, gwapo, at marunong rumespeto ng babae pero hindi pa rin tumitibok ang puso niya para rito.

"So, are you going to be with him?"

Umiling si Kat.

"Gaya ng sinabi ko, it's complicated. Ang gusto ko lang ay mapag-isa muna. Gustong suriin ang mga bagay-bagay. Gusto kong pag-isipan kung ano talaga ang gusto ko."

Napatingin naman sa labas si Creed. There's sadness in his eyes. Alam ni Kat na dahil sa kanya ay nasasaktan ito. It's because of her again. Wala na ba siyang ibang kayang gawin kundi saktan ang iba?

"Ayokong umasa ka pa. At inaamin ko, sa umpisa ay ginamit kita para kalimutan si...ang nararamdaman ko pero nakokonsensiya na ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao," ang sabi niya. "Ayoko sanang sabihin ito sa'yo pagkatapos matalo ang team ninyo. I know this is bad news pero there's no better time for me to tell this."

Hindi sumagot si Creed. Nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana. Tila may iniisip. Hindi rin naman ito pinilit ni Kat. Hinayaan niya ito.

"We're still friends, right?" Maya-maya ay tanong ni Creed.

Napangiti si Kat. 'Yon ang gusto niyang marinig kay Creed.

"Oo naman. Magkaibigan pa rin tayo," sagot niya rito. Laking pasalamat niya at hindi ito nagalit sa kanya.

Napatingin si Creed sa kamay ni Kat.

"It's ironic. This is also the place where I ignored you," ang sabi ni Creed habang umiiling. Hindi ito makapaniwala.

"Creed, hindi ko naman talaga sinasadya na dito ko sabihin ang lahat. Kaya lang—"

"I know. Naiintindihan kita," putol nito sa sasabihin pa niya. Ayokong ipilit sa'yo ang sarili ko. I don't want that to happen to my sisters. I don't want them to be in the position that you are in right now. So, I'll set you free."

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now