Peggy Back

11.5K 464 48
                                    

I just finished this a few minutes ago. Raw and unedited. Please be kind. :)


"Parang back to normal na ang lahat, ah."

Napatingin si Kat sa tinutukoy ni Vanessa. Ilang araw na nilang nakikita si Jacques na kasama ang mga kaibigan nito. Bumalik na si Jacques sa soccer team at nakipagsundo na rin ito sa cool kids.

At tila walang nangyari. Jacques is back to his old self.

Napatitig si Kat kay Jacques. Nakangiti ito habang nakikipag-kuwentohan sa mga kaibigan. Inaamin niyang nasasaktan siya dahil parang wala ng pakialam sa kanya si Jacques.

Nasalubong niya ito noong isang araw. Ni hindi man lang siya tiningnan nito. Balik na rin ito sa pagsundo kay Curt at hindi rin siya nito pinapansin kapag nagkikita sila sa labas ng bahay nila. Hindi lang bumalik sa dati ang lahat. She feels like she doesn't exist.

Alam ni Kat na wala siyang karapatang magalit o masaktan. 'Yon naman ang gusto niya. Na bumalik sa dati ang lahat.

"Maliban na lang siguro sa mga babaeng nakadikit kay Jacques," ang sabi ni Vanessa.

Nakaupo sina Kat at Vanessa sa isang bench na malapit sa parking lot. Pinagmamasdan nila si Jacques at ang mga kaibigan nito.

"Tingnan mo nga, oh! Ay! Ang kapal!" Naiinis na sabi ni Vanessa.

Kitang-kita ni Kat kung paano hinalikan ng babae si Jacques sa pisngi. Ang isang babae naman ay nakayakap sa beywang nito.

She felt pain in her heart. Hindi niya maiwasang masaktan. Mahal niya pa rin ito.

"Umuwi na nga tayo, Van," ang sabi niya sabay tayo. "Bukas ko na lang isosoli 'to."

Ang tinutukoy ni Kat ay si Peggy, ang stuffed toy na ibinigay ni Jacques sa kanya. Naisip niya na ngayong nakalimutan na siya ni Jacques ay kakalimutan na rin niya ito. At uumpisahan niya sa pagsoli sa mga ibinigay nito sa kanya.

"Ha? Napapagod na ako sa kaabang sa kanya, Kat. Noong isang araw pa natin ginagawa ito. Isoli mo na kaya sa kanya 'yan ngayon."

Umiling si Kat. Ayaw niyang lumapit kay Jacques na kasama ang mga kaibigan nito.

"Hindi ako komportable na makaharap ang mga kaibigan niya," ang sagot ni Kat. Hindi niya gusto ang tingin ng mga ito sa kanya.

"Ang arte mo naman!" Naiinis na sabi ni Vanessa. "Hindi mo talaga maibabalik si Peggy kung ayaw mong makaharap ang mga kaibigan niya. Palaging kasama ni Jacques ang mga 'yan, eh."

Simula nang bumalik si Jacques sa cool kids at soccer team ay palagi na itong napapalibutan ng mga kaibigan at iba't ibang babae. Hindi naman ito ganito dati.

"Ikaw na lang kay ang magsoli nito, Van."

"Hello? Hindi sa akin ibinigay 'yan. At isa pa, hindi rin ako pinapansin ni Jacques. Nahawa na yata ako sa'yo."

Napabuntong-hininga si Kat. Hindi naman kasi puwedeng hindi niya ibalik si Peggy at ang bracelet na ibinigay ni Jacques. Hindi siya makakapag-move on kapag palagi niyang nakikita si Peggy.

"Kat, dali! Umalis na 'yung mga kasama niya!"

Nagulat siya sa sinabi ni Vanessa at kaagad na napatingin kay Jacques. Nakatayo pa rin ito sa tabi ng sasakyan at tila may binabasa sa cellphone.

Mabilis na tumayo si Kat at nilapitan si Jacques dala ang paper bag kung saan nakalagay si Peggy.

Kinakabahan siya habang naglalakad papalapit kay Jacques. Ayaw na niyang makausap si Jacques pero kailangan niyang gawin 'to para matapos na ang lahat.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now