Summer Love

12.1K 392 12
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Summer na naman. Abala ang lahat sa pagbabakasyon at kung ano-ano pang pinagkakaabalahan tuwing summer.

Ang kapatid ni Kat na si Alaina ay abala sa kanyang summer classes habang si Curt naman ay abala sa enrollment sa kolehiyong napiling pasukan. Napagpasyahan kasi ni Curt na sa ibang university pumasok. Kung ang mama nila ang masusunod, gusto nito na sa pinapasukang university ni Alaina si Curt tumuloy. Pero mas pinili ni Curt ang university na may active na soccer team.

Hindi naman kalayuan ang papasukang university ni Curt. Mga apat na oras na biyahe lamang ito mula sa tinitirhan nila ngayon. Pero kahit ganoon hindi pa rin masaya ang mama nila. Ayaw kasi nitong malayo sa nag-iisang anak na lalaki. Gayunpaman ay wala na itong magagawa. Hindi na magbabago ang isip ni Curt.

Ang mama naman ni Kat ay na-promote sa trabaho. Mula sa pagiging assistant HR manager naging Chief Human Resources Officer na ito. At dahil sa promotion ay nagkaroon ito ng maraming company benefits at isa na roon ang isang bagong sasakyan.

Gustong ibigay ng mama niya kay Curt ang sasakyan ngunit tumutol ang huli. Hindi niya raw magagamit ang sasakyan dahil malapit lang sa university ang dormitoryong titirhan nito. Ayaw namang matutong magmaneho ni Alaina kaya't si Kat na lang ang pinilit ng ina na mag-driving lessons.

Kat has been driving on her own for a few weeks. At para gumaling sa pagmamaneho ay bumibisita siya sa mansion nina Jacques araw-araw gaya ng ginagawa niya ngayon.

Inihinto ni Kat ang sasakyan sa harap ng mansion nina Jacques pagkatapos ay kinuha ang cellphone mula sa kanyang bag. Tinawagan niya si Vanessa.

"Kat! OMG! OMG! OMG!" Malakas na sigaw ni Vanessa nang sagutin nito ang tawag niya.

Parang mabibingi naman si Kat sa lakas ng sigaw ng kaibigan. Mukhang excited ito. Naisip tuloy niya kung ano na namang nangyari dito.

"Bakit?" Nakangiti niyang tanong.

"Hindi ka maniniwala sa nangyari!" Ang sabi ni Vanessa sabay sigaw.

Inilayo ni Kat ang cellphone mula sa teynga. Kung hindi titigil si Vanessa sa kasisigaw ay talagang mabibinga siya.

"Sa halip na magsisisigaw, ikuwento mo kaya sa akin ang nangyari," ang sabi niya.

Vanessa is on a vacation in Bohol with her family for over two weeks na. May resort kasi doon ang kapatid ng daddy ni Vanessa at naimbitahan silang magbakasyon doon. Sa pagkakaalam ni Kat ay sa susunod na buwan pa uuwi ang mga ito.

"Naalala mo si Ken? 'Yong lalaking ikinuwento ko sa'yo?"

"Hmm..." Nag-isip si Kat. Hindi niya maalala na may ikinuwento ito sa kanya tungkol sa isang Ken.

"Nanliligaw na siya sa akin!" Sagot ni Kat at muli na namang nagtitili.

"Wow!" Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Wala talaga siyang maalalang Ken. "Can you refresh my memory? Sino nga si Ken?"

"Siya 'yong anak ng bestfriend ng daddy ko."

"Ah!" Bumalik sa alaala ni Kat ang tungkol kay Ken. Hindi niya alam kung bakit nagiging makakalimutin siya nitong nakalipas na mga araw. "Alam na ba ng mommy at daddy mo na gusto niyang manligaw sa'yo?"

"Oo, alam nila. At boto sila kay Ken!" Tuwang-tuwang sabi ni Vanessa.

"Siyempre gusto nila si Ken dahil anak siya ng bestfriend ng daddy mo."

"Kaya nga ang saya-saya ko, Kat. Alam mo naman kung gaano ka-strikto sina mommy at daddy pagdating sa pagbo-boyfriend pero pagdating kay Ken biglang nagbago ang isip nila."

Ngumiti si Kat. Masaya siya para sa kaibigan.

"I'm happy for your, Van," ang sagot niya. Hindi niya maiwasang maging malungkot.

"Oo nga pala, si Jacques?" Maya-maya ay tanong ni Vanessa sa kanya.

"Nasa labas ako ng mansion nila ngayon," ang sabi niya at napatingin sa mansion.

"Ganoon ba? Bumaba ka na sasakyan at pumasok sa loob," ang sagot ni Vanessa. "Tawagan na lang kita mamaya. Marami pa akong ikukuwento sa'yo."

"Okay, bye!"

Bumuntong-hininga si Kat at itinago ang cellphone sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay bumaba siya ng sasakyan at lumapit sa gate ng mansion.

Hindi pa rin nagbabago ang mansion. Bukod sa pagiging for sale nito, tulad pa rin ito ng dati. Napakaganda at napakalaki. Siya lang naman ang nagbago.

Apat na linggo na siyang pabalik-balik sa mansion. Minsan ay may nakikita siyang mga hardero at mga katulong na palakad-lakad sa grounds ng mansion. Minsan naman ay nakikita niya si Lilet at pinapapasok siya nito.

Four weeks ago, sa utos ni Vanessa ay pinuntahan niya si Jacques dito sa mansion. Kinakabahan siya nang araw na 'yon. Naghanda siya ng sasabihin. Inihanda niya rin ang sarili sa isasagot ni Jacques. Pero hindi siya naging handa sa kanyang natuklasan.

The day after graduation ay umalis na pala si Jacques at ang mommy nito patungong Moscow. Kat was eight hours late. Kung nakinig lamang siya kay Vanessa at pinuntahan si Jacques sa gabi ng graduation ay makakausap pa sana niya ito.

Nagtanong siya kay Curt. Nagulat din ito sa kanyang natuklasan. Sa pagkakaalam niya ay kinabukasan pa aalis si Jacques.

That moment made her realize kung gaano ka-temporary ang lahat. It made her realize her mistakes. It made her realize not to take things and people for granted.

Lumapit sa gate si Kat at kumaway sa security camera. Apat na linggo na rin niyang ginagawa 'yon. It became a habit for her. To drop by the mansion, wave at the camera and pretend to wait that the gate will open.

Muli siyang napabuntong-hininga. Ilang isip niyang naisip kung ano kaya ang nangyari kung nakausap niya si Jacques. Paano kaya kung pumunta siya sa dinner na sinabi ng mommy nito? Paano kaya kung hindi niya ito binasted?

Puno ng mga 'paano kaya' ang isipan niya. Pinagsisihan niya ang lahat. Blame it on her and her stupidity. On her indecisiveness and selfishness. The 'what ifs' will haunt her forever.

Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Kung alam niya lang ito pala ang mangyayari. Kung alam niya lang kung gaano kasakit at kalungkot ang mag-isang naghihintay sa isang bagay na hindi niya sigurado. Kung alam niya lang na...

Napatigil si Kat. There's no use blaming ang torturing herself sa nangyari. Nagpapasalamat siya at may natutunan siya sa mga nangyari. In time, she will be stronger and wiser.

Tumalikod si Kat at bumalik sa sasakyan. Sooner or later ay mabebenta na ang mansion. Pero hangga't hindi pa nangyayari 'yon ay babalik siya dito sa mansion. Hoping that she will hear news about Jacques. 



Please vote, comment and share. Thanks!

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon