Creed 4

12K 409 21
                                    


"Ano?! Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Hindi makapaniwala si Vanessa habang nakatingin sa kaibigan. Kasasabi lang ni Kat na makikipagkita siya kay Creed.

"Oo, sigurado na ako," ang sagot ni Kat. Desidido na ang boses nito.

Napatitig si Vanessa sa kaibigan. Simula nang umalis si Jacques ay bumalik sa kanyang dating ugali si Kat. The old Kat she knew is back. Mainitin ang ulo at madaling magalit. The old Troublemaker is back.

Simula nang nagdesisyon si Kat na maghanap ng boyfriend ay medyo nag-tone down ang pagiging magalitin nito. Ngunit ngayon, parang naging malala pa ang kaibigan niya.

"Ano bang nangyayari, Kat?" Nag-aalalang tanong ni Vanessa.

Kat took a bite from the pizza before answering. "Wala."

Nasa pizza place ang dalawa. Nag-aalangan nga si Vanessa nang magyaya ang kaibigan na mag-pizza daw sila. They're in the same place kung saan madalas tumambay si Wilson at ang mga kaibigan nito. It's a Saturday. Mabuti na lang at wala roon si Wilson. It doesn't matter though. Tila hindi naman takot si Kat na makita si Wilson.

"Paano na si Jacques? Di ba sinabi niyang hintayin mo siya?"

Kat suddenly snapped na ikinagulat ni Vanessa.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko na siya hihintayin? Ayokong maging girlfriend niya!" Galit na sabi nito.

"Ba't ka ba nagagalit?" Mahinang tanong ni Vanessa. Alam niya naman ang sagot sa tanong niya. Kat is hurting. And anger is just her defense.

"Hindi ko na 'to sasabihin sa'yo, okay? Hindi na natin pag-uusapan si Jacques kahit kailan," sagot nito at muling kumain ng pizza.

"Sinabi mo na ba sa kanya na hindi mo na siya hihintayin?"

"Hindi na kailangan. He'll get it when he's back," sagot ni na tila walang pakialam.

"Hindi na kailangan? Pormal na naligaw sa'yo yung tao. Kinausap pa niya ang mama mo. Iniwan ang soccer team at pinili ka over his bestfriend tapos sasabihin mo lang na hindi kailangan? Kat kung ayaw mo kay Jacques sabihin mo sa kanya. Sabihin mo na mo na ayaw mo sa kanya. Huwag—"

"Ano bang problema mo?"

Napanganga si Vanessa sa narinig. Siya pa ang may problema ngayon?

"Wala akong problema, Kat! Ikaw ang may problema! Naghahanap ka ng boyfriend tapos ngayon na may matinong lalaki na handang iwan ang lahat ng kaibigan niya para sa'yo pero ayaw mo naman. Hindi kita maintindihan," nagalit na rin si Vanessa sa kaibigan.

Natahimik si Kat. Alam ni Vanessa kung bakit ito nagkakaganito. Ayaw nitong maging dahilan para maging miserable at outcast si Jacques.

"Hindi ako karapat-dapat sa kanya, Van. You know how mean the Riverside students can get. Ayokong nasasaktan si Jacques," ang sabi ni Kat at biglang umiyak.

"Ayaw mong nasasaktan si Jacques pero ano ba sa palagay mo ang mararamdaman niya 'pag nalaman niyang nakipagkita ka kay Creed? At isa pa, ba't ka natatakot sa mga schoolmates natin? Nakalimutan mo na ba that you're the meanest girl in school?"

Lalo lang naiyak si Kat kaya't nagpatuloy sa pagsasalita si Vanessa.

"Ikaw ang pinili ni Jacques, Kat. Piliin mo naman siya. Ipaglaban mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Mahal na mahal mo naman siya. Hindi ka naman magkakaganito kung hindi mo siya mahal."

Napahagolgol si Kat. Napatingin tuloy sa kanila ang waitress na nararoon.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, eh."

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now