Creed vs. Jacques

11.2K 416 56
                                    

Raw and unedited. Please don't be heartless. :)


"Gusto 'nyo ng dessert?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Creed kay Kat at Vanessa. Nasa isang fastfood sila na malapit sa school ng dalawa at kumakain ng hapunan.

"Okay na ako, Creed. Thank you. Busog na busog na nga ako," ang sagot ni Vanessa.

Nagtaka naman si Kat sa sinabi ng kaibigan. Kailan pa ba ito umayaw sa sa dessert?

"Are you sure?" Muling tanong ni Creed kay Vanessa.

Tumango-tango si Vanessa.

"Oo. Sure na sure," ang sagot nito.

"Ikaw, Kat?" Tanong nito sa kanya.

"Chocolate sundae na lang siguro," sagot niya.

"Okay. I'll be back," sagot ni Creed at umalis na.

"Mas gusto ko pa rin si Jacques," ang sabi ni Vanessa nang makaalis si Creed.

"Van..."

"Aaminin ko, gwapo si Creed. Mabait pa. Pero mas gusto ko pa rin si Jacques. Hindi ko kasi makalimutan na hindi ka nakilala ni Creed noong magkita kayo," ang sagot ni Vanessa.

"Bigyan mo naman ng chance si Creed."

"Alam ba ni Creed na ginagamit mo lang siya para makalimutan si Jacques?"

Napailing si Kat sa sinabi ng kaibigan. Kahit anong paliwanag niya ay hindi talaga siya maintindihan nito.

"Van naman, eh. Sino bang may sabi na ginagamit ko si Creed?"

"Hindi obvious, Kat. Talagang hindi obvious," sarkastikong sagot ni Vanessa.

Hindi niya naman talaga ginagamit si Creed. Nagkataon lang na muling nagparamdam si Creed sa kanya. And he's not a bad person. Ilang beses na silang lumalabas nito at puro maganda ang ipinapakita nito sa kanya.

"Basta ako, makikipag-kaibigan pa rin ako kay Jacques. Hindi mo ako mapipigilan. Ikaw lang naman ang may ayaw kay Jacques," ang sabi ni Vanessa habang nagliligpit ng mga gamit.

"Ano bang ginagawa mo? Aalis ka na?" Tanong ni Kat.

"Oo. Three's a crowd, eh. At isa pa, team Jacques ako," sagot ni Vanessa at tumayo na. "Sabihin mo kay Creed salamat sa libreng pagkain."

"Aalis ka na talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kat.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"

"Okay, fine. Mag-ingat ka sa daan," ang sabi niya sa kaibigan. Alam niyang hindi niya ito mapipigilan. "Bye!"

Vanessa just waved her hand at umalis na. Napatingin lang si Kat sa papalayong kaibigan.

Maya-maya ay bumalik na si Creed. May dala itong dalawang chocolate sundae.

"Si Vanessa?" Tanong nito nang makaupo. Ibinigay nito ang chocolate sundae ni Kat.

"Thanks," sabi ni Kat at tinanggap ang ibinigay ni Creed. "Umalis na. Salamat daw sa libreng pagkain."

"I have a feeling that she doesn't like me," sabi ni Creed.

Matalas din pala ang pakiramdam nito.

"Hindi naman. Ganoon lang talaga si Vanessa sa umpisa. Hayaan mo, masasanay din siya sa'yo," ang sagot niya.

Ngumiti lang si Creed. Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan. Nagkakasundo sila sa maraming bagaya kaya't naaliw si Kat sa pag-uusap nila. Marami itong ikinukuwento sa kanya. Mula sa pamilya, sa mga hindi magagandang karanasan sa buhay, pati na mga ambisyon nito. Kaya't hindi rin siya nahihiyang magkuwento rito.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now