Casey 2

13.7K 495 22
                                    

If you want to join my gift giveaway, just head over to my Fb account. :)


"So, ano na ang gagawin mo ngayon?"

Nagkibit-balikat si Kat. Hindi niya alam na mahirap pala magpapansin sa isang lalaki.

"May suggestion ka ba?" Tanong niya sa kaibigan. Nasa cafeteria na naman sila at iniisip kung anong susunod na gagawin para makuha ang attention ni Casey.

"Suggestion? Wala akong alam tungkol sa mga lalaki. Hindi ko alam kung paano sila hahabulin," nakasimangot na sagot ni Vanessa.

"Si Jacques naman kasi. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko," naiinis na sabi ni Kat. Naalala na naman niya si Jacques. 

"Baka kasi ayaw ka niya talagang tulungan."

Napatingin si Kat sa kaibigan. Alam niya ang susunod na sasabihin ni Vanessa. Sasabihin na naman nito na may gusto si Jacques sa kanya, which she thinks is very impossible.

"Alam kong tutulungan niya ako," ang sagot niya sa kaibigan.

"Tinanong mo na ba si Curt? Baka kung ano na ang nangyari kay Jacques," nag-aalalang sabi ni Vanessa.

"Tinanong ko nga kanina tapos biglang nagalit. Ewan ko ba sa kapatid kong 'yon. Nakakainis nga, eh."

"Kailan ka ba hindi nainis kay Curt?"

Tama nga naman si Vanessa. Hindi sila kailanman nagkasundo ni Curt. Para silang aso at pusa na parating nag-aaway.

Napabuntonghininga si Kat. Naisip niya na siguro ay dapat na niyang itigil ang plano niyang maghanap ng boyfriend.

"Van, dapat ko na sigurong itigil 'to. Ano sa tingin mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa sa narinig.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Dalawa na lang ang natitira sa prospects mo. Ngayon ka pa titigil?"

Huminga ng malalim si Kat.

"Nakakapagod na kasi, eh. Hindi ko na alam kung anong gagawin."

"Huwag ka ngang sumuko. Bawal sumuko! Go lang tayo ng go!" Nakangiting sabi ni Vanessa.

"Wala naman kasing nangyayari, eh. Tatanggapin ko na lang na hindi talaga ako magkaka-boyfriend. Isinumpa na nga talaga nung babaeng binuhusan ko ng iced coffee," nakayukong sabi ni Kat.

"May pasumpa-sumpa ka pang nalalaman diyan. Gumising ka nga! Hindi 'yan ang Kat na kilala ko. Hindi basta-basta sumsuko ang best friend ko. Ang Kat na kilala ko, ginagawa ang lahat makuha lang ang gusto." Lumapit si Vanessa sa kaibigan at inakbayan ito. "Kung gusto mo, magpahinga muna tayo sa mga plano natin. Mag-isip tayo for one week. Mag-brainstorming tayo."

Napangiti si Kat sa sinabi ng kaibigan. May brainstorming pa itong nalalaman. Pero tama nga ang sinabi nito. They need to re-think their plans.

"Siguro nga—"

"Katarina Blanco?"

Napatigil si Kat nang marinig ang tumawag sa pangalan niya. Sabay silang napalingon sa nagsalita.

Isang lalaking nakangiti ang nakita nila. Hindi nila ito kilala.

"Sino ka?" Ang tanong ni Vanessa.

"May ipinabibigay si Jacques sa'yo," ang sabi ng lalaki at inilagay sa mesa ang isang makapal na brown envelope.

"Ano 'to?" Tanong ni Kat habang nakatingin sa envelope.

Hindi sumagot ang lalaki. Mabilis itong umalis. Naiwan ang dalawa na nagkatinginan.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now