Jacques

13.7K 574 86
                                    

Ito na ang pinakahihintay ninyo! I hope you like it. :)


"Bakit ka naman umalis?"

"Para ano? Ano pa ba ang dapit kong gawin? Nagmukha na nga akong tanga, eh," ang sagot ni Kat kay Vanessa. Nakasimangot ito.

"Kahit na. Dapat nagpakilala ka."

"Nakakahiya nga, eh. Akala niya magpapa-picture ako," naiiyak na sabi ni Kat.

Nakatingin lamang sa kanya si Jacques. Hindi pa ito nagsasalita simula nang dumating si Kat.

"Bumalik ka sa loob. Sabihin mo sa kanya na ikaw si Kat na nakilala niya sa party. Na ikaw si Kat na ka-text niya buong linggo," ang sabi ni Vanessa sa kaibigan. Pagkatapos ay napatingin siya kay Jacques. Tahimik siyang humihingi ng tulong dito.

"Hindi nga niya ako nakilala, eh! Mahirap bang intindihin 'yun? Hindi niya ako nakilala dahil hindi ako naka-makeup at hindi magarang damit ang suot ko. I look ordinary kaya hindi niya ako nakilala," galit na sabi ni Kat habang pinipigilan ang luha.

Natahimik si Vanessa. Hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan.

"Ganyan naman talaga ang mga lalaki, di ba? Gusto ka lang nila dahil maganda ka, sexy, o hot. Pero kapag mukha kang ordinaryo, ayaw na nila sa'yo," hindi na napigilan ni Kat ang sarili. Tumulo na ang mga luha mula sa mga mata niya. "Bakit sila ganoon?"

Napatiimbagang si Jacques at napatingin sa labas ng sasakyan. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan niya.

"Bakit ganyan kayong mga lalaki, Jacques?" Ngayon ay si Jacques na ang kausap ni Kat.

"K-kat, hindi naman siguro tama na si Jacques ang tanungin mo tungkol sa—"

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" Putol ni Kat sa kaibigan.

Tumahimik si Vanessa at napatingin kay Jacques. She silently prayed na meron itong matinong maisasagot sa tanong ni Kat. Hindi naman kasalanan ni Jacques ang lahat ng kasalanan ng lalaki sa mundo. Pero malas niya lang at siya ang nag-iisang lalaking kasama nila ngayon.

"Um...alam 'nyo, mas mabuti pa mag-usap muna kayo. Lalabas lang muna ako sandali," ang sabi ni Vanessa. 

"Saan ka pupunta?"

"Where are you going?"

Sabay na tanong nina Kat at Jacques.

"Nagugutom na kasi ako, eh," pagsisinungaling ni Vanessa. 

Pinandilatan siya ni Jacques ngunit hindi niya ito pinansin.

"Gusto 'nyo ng burger?" Tanong niya sa dalawa.

Umiling si Jacques hindi dahil ayaw niya ng burger kundi dahil hindi siya makapaniwala sa pinaplano ni Vanessa.

"Wala akong ganang kumain," ang sagot ni Kat while trying to cover her face with her long hair.

"Okay, sandali lang ako. Babalik ago kaagad," bago lumabas ay kinindatan pa ni Vanessa si Jacques. Napailing lang ang huli.

Tahimik lang ang dalawa nang makaalis si Vanessa. Kahit hindi niya tingnan ay alam ni Jacques na umiiyak pa rin si Kat. He can't see her face since she's hiding behind her hair.

Biglang tumunog ang cellphone ni Kat. Nakatanggap siya ng text. Nakita niya na mula kay Creed 'yun. Hindi niya 'yun pinansin.

Pagkatapos ng text ay tinawagan na siya ni Creed.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora