Forgive & Forget

12.7K 424 11
                                    


"Katarina! Ano ba? Buksan mo 'tong pinto!"

Nagtago sa ilalim ng kumot si Kat at tinakpan ng unan ang kanyang teynga. Gising na siya pero ayaw niyang bumangon.

"Katarina! Nakalimutan mo na kung anong araw ngayon?"

Alam niya kung ano ang tinutukoy ng mama niya. Graduation ni Curt ngayon. Kaya nga ayaw niyang bumangon.

"Katarina, huwag mo nang hintayin pa na pumasok ako diyan. Bibilang ako ng sampu. Isa...dalawa..."

"Ugh!" she grunted. 

Dahan-dahan siyang bumangon. Hindi naman talaga siya natatakot sa pagbibilang ng ina. Natatakot siya na baka pumasok ito at makita ang kalat sa kwarto niya. Ayaw siyang masermonan nito. 

Tumayo siya at binuksan ang pintuan.

"Ano ba, ma?" 

Nanlaki naman ang mga mata ng mama niya nang makita siya.

"What?! Hindi ka pa handa? Ano bang pinaggagawa mo diyan sa loob?" Tanong nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. 

"Ma, hindi ako sasama," tinatamad niyang sagot.

"Anong hindi sasama? Napag-usapan na natin 'to, Kat. Graduation ng kuya mo at kailangan niya ng suporta mula sa pamilya niya."

"Bakit si ate Alaina hindi sasama?" Siya ba ang tutubos sa suportang ibibigay ng ate niya kay Curt?

"Kasi nga may ginagawang project. Huwag ka na ngang maraming tanong. Magbihis ka na. You're the designated photographer kaya't dapat kasama ka," naiiritang sagot ng mama niya.

"Ayoko nga sabi, eh." Nagdadabog pa siya.

"Sige na, Katarina! Kapag hindi ka pa bihis sa loob ng limang minuto ay kakaladkarin talaga kita pababa!"

***


"Kailangan magaganda ang kuha mo ngayon ha, Kat. Huwag tulad noong nangyari sa company party namin. Ang pangit ng mga pictures ko doon."

Kat rolled her eyes. Nasa likod siya ng sasakyan nila at nakikinig sa sinasabi ng mama niya. Papunta na sila sa school para sa graduation ni Curt na nakaupo sa harapan.

"Hindi ko naman po kasalanan kung hindi ko kabisado itong camera mo, ma," ang sagot niya. Ang tinutukoy niya ay ang DSLR camera ng mama niya na may maraming komplikadong settings.

"Di ba sinabi ko na basahin mo 'yung manual?"

"Nakita mo ba kung gaano kakapal ang manual ng camera mo, ma? Mas makapal pa yata sa mga libro ko sa school."

"Yong importante lang naman kasi ang babasahin mo," ang sabi ng mama niya habang nagmamaneho.

"Hindi ko alam kung saan ang importante, ma," ang sagot niya.I-se-set 'nya na lang sa AUTO ang settings ng camera para hindi na siya mahirapan pa. Bakit naman kasi siya pa ang ginawang photographer ng mama niya.

"Nandiyan ba ang backup battery? Siguraduhin mo, ha? At ang memory cards? Nandiyan din ba?"

"Oo, ma," ang sagot niya habang nakatingin sa labas. Pero ang totoo ay hindi niya tiningnan ang camera bag. Alam niyang nandoon na ang lahat.

"Thanks for doing this, Kat," ang sabi ni Curt sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hindi niya pa rin kinakausap ang kapatid simula nang sinabi nito ang tungkol kay Jacques. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ni Curt pero siya na mismo ang umiiwas. She's too hurt to handle things.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now