I See You

28K 707 45
                                    

Hi, lovely readers! Thank you for waiting. Here's the new chapter! 



"Ma! Nakita mo ba 'yong pares ng medyas ko?"

Sumisigaw si Kat habang pababa ng hagdan. Kanina pa niya hinahanap ang kapares ng paborito niyang medyas na kulay pula.

"Ma!" Sigaw niya nang makarating sa sala. Wala doon ang mama niya. Pumunta siya ng kusina. Nakita niya ito doon na nagluluto ng almusal.

"Ma?! Nakita mo ba 'yong isa nito?"

"Ano ba kasi 'yan?" Sabi ng mama niya, hindi ito nakatingin sa kanya.

"Medyas! Ang paborito kong medyas," sagot niya at ipinakita sa kanyang ina ang hawak na medyas.

"Hindi ko alam kung nasaan. Hinanap mo ba sa drawers mo?"

"Kanina pa po. Hindi ko makita, eh!"

"Hanapin mo ulit."

"Wala nga doon, eh," frustrated na sagot ng dalagita.

"Aba hindi ko alam kung nasaaan. Wala ka bang ibang maisusuot?"

"Ito 'yong paborito ko, eh. P.E. ngayon. Ito ang gusto kong isuot," sagot ni Kat. She started to stump her feet in frustration.

"Umakyat ka sa kwarto mo at hanapin mo ulit. Kung hindi mo mahanap, 'yong iba na lang ang gamitin mo," sagot ni Joy sa anak. "Bumalik ka kaagad at nang makapag-almusal."

"Ma naman, eh!" Padabog na umalis ng kusina si Kat. Nasalubong naman nito ang nakatatandang kapatid na si Curt. Naka-uniform na ito. 

"Ma! Nakita mo ba 'yong medyas ko?" Sigaw ni Curt habang ginagaya ang nakababatang kapatid.

Inis itong itinulak ni Kat.

"Ma, nakita mo ba 'yong boyfriend ni Kat?" Curt teased his sister. "Ay! Oo nga pala. Wala ka palang boyfriend!"

Sumimangot si Kat at mabilis na umakyat pabalik ng kwarto.

Lumapit naman si Curt sa ina at hinalikan ito sa pisngi.

"Morning, ma," sabi nito habang pinagmamasdan ang inang nagluluto.

"Huwag mo akong ma-good morning diyan, Curtis ha. Alam ko kung anong oras ka umuwi kagabi," sagot ni Joy sa anak.

"Ang importante umuwi po ako," pagbibiro ni Curtis. He started to set to put plates on the table.

"May pa-importante ka pang sinasabi diya. Kaya nga curfew. Dapat sinusunod. Kung napaano ka sa daan?"

"Wala naman pong nangyari sa akin, ma. At isa pa po, nag-text naman po ako na matatagalan ako ng uwi," sagot ni Curt habang naglalagay ng kubyertos sa mesa.

"Kahit na. Ang curfew ay curfew," sagot ni Joy.

"Ok po. Sige na. Sorry, sorry," natatawang sabi ni Curt at niyakap ang ina. "Matagal pa ba 'yan?"

"Malapit na 'to. Maupo ka na d'yan," sagot ni Joy at inilipat sa bandehado ang nilulutong fried rice. Inilapag niya ito sa mesa.

"Sarap naman!" Kukuha na sana si Curt nang pigilan siya nito.

"Hintayin mong mga kapatid mo. Magluluto pa ako ng itlog."

Napabuntong hininga si Curt.

"Nagugutom na ako, eh!"

"Maghintay ka. Alam mo naman ang patakaran ko dito sa bahay. Sabay tayong kakain ng almusal," sagot ni Joy.

"Wala ka bang patakaran sa pag-bo-boyfriend ni Kat?" Curious na tanong ni Curt. "Hindi mo ba siya pagbabawalan?"

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now