Spencer 2

12.8K 350 10
                                    


"Curt! Sorry, I'm late."

Naghihintay na sa kay Jacques si Curt nang dumating siya sa parking lot. Nakalimutan niya na may usapan nga pala sila. Susunduin nila ang bagong girlfriend ni Curt mula sa airport.

"Pumunta ako ng canteen pero hindi kita nakita doon," ang sabi ni Curt.

"Canteen?" Tanong niya. Nagtataka siya kung bakit alam nito na nasa canteen siya kanina.

"Yep. May nakapagsabi sa akin na nasa canteen ka raw kanina at kinakausap si Kat," sabi nito at nakakunot ang noo. "Why did you talk to her?"

Napatitig si Jacques sa kaibigan. Curt has this familiar look on his face. The same look everytime they talk about Kat.

Jacques wanted to avoid Kat after what happened to the party. Pero pagkatapos niyang makita ang video ay wala siyang nagawa kundi kausapin ito.

"The maids found her cellphone so I gave it to her," ang sagot niya.

Tumango naman si Curt.

"And also, I wanted to show her the video of her that Spencer took."

Kumunot ang noo ni Curt.

"Anong video?" Nalilitong tanong nito.

Lumapit si Jacques sa kaibigan at ipinakita nito ang video mula sa kanyang iPhone.

"That son of a..!" Galit na sigaw ni Curt. "He posted this on Facebook?"

"Yeah," sagot ni Jacques.

"Ano bang gusto niya kay Kat? Why did he take this video? Kat can be expelled because of this," nag-aalalang sabi ni Curt.

"Do you want me to talk to him?" Jacques offered. Baka kasi hindi makapagtimpi ang kaibigan at lalong lumaki pa ang gulo.

"Can you do it? Kasi pag ako ang kumausap sa lalaking 'yon ay tiyak na mawawasak ang pagmumukha niya." Napatiimbagang si Curt.

"Sure. Kakausapin ko siya," sagot ni Jacques. Papasok na sana siya sa kanyang sasakyan nang may maisip siya. "You know what, take the keys and go. I'll find Spencer and talk to him before the video spread like wildfire."

"Ano?" Napatingin si Curt sa susi na nasa kamay ni Jacques. "Sigurado ka ba?"

"Oo. Just be sure to be back before the practice, okay?"

Kinuha ni Curt ang susi mula kay Jacques.

"Thanks, Jacques."

"No problem," ang sabi naman ni Jacques at tumalikod na siya. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Spencer so he sent him a message on Facebook. Maya-maya ay sumagot ito. Nasa labas daw ito ng basketball court.

Mabilis namang pinuntahan ni Jacques si Spencer. Kasama nito ang mga lalaking nakita niyang nang-iinis kay Kat sa canteen kanina. Nagtatawanan ang mga ito ngunit mabilis na natahimik nang dumating siya.

"Hey, Spencer. Can I talk to you for a minute?"

"Sure," sagot ni Spencer at lumapit ito sa kanya. "May nangyari ba?"

"Wala. Gusto lang kitang kausapin?"

"Tungkol saan?"

Sandaling nag-isip si Jacques. He wants to say it properly. Baka kasi mabigla ito kung bakit nakikialama siya kay Kat.

"It's about Kat and the video," sabi niya at hinintay ang reaksyon nito.

Biglang tumawa si Spencer.

"It's so funny, right? Sayang at hindi ko nakunan 'yong pagsayaw niya sa ibabaw ng mesa. Sabi nga nitong mga kasama ko ang galing daw niyang sumayaw. Nakita mo ba? Did you see her dance?"

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now