Wilson

12.2K 445 12
                                    

Hi, guys! Today is the last day for you to join the gift giveaway. You have until 11:59 pm to join. Just head over to my Fb. Merry Christmas! :)


"Go, Wilson!"

Hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinagmamasdan ang kaibigang nakatayo at kanina pa pinagsisigawan ang pangalan ni Wilson Torres. Nasa bleachers sila ng basketball court at pinapanood si Wilson  habang nagpa-practice.

"Oh my god, Katarina. Nakakahiya ka!" Ang sabi ni Vanessa at hinila paupo si Kat.

"Bakit ba?" Ang tanong ni Kat, nakapako pa rin ang tingin kay Wilson.

"Kung makasigaw ka akala mo totoong game ang pinapanood mo. Practice game lang 'yan kaya huwag kang masyadong excited," naiinis na sabi ni Vanessa. Unti-unti na siyang nag-sisisi kung bakit pa siya sumama kay Kat.

"Dapat mapansin ako ni Wilson. Siya na lang ang natitira kung prospect kaya dapat mapansin niya ako," sagot ni Kat. Nakatingin pa rin ito kay Wilson habang pumapalakpak.

"Sino bang hindi mapapansin? Tayong dalawa lang naman ang nanonood sa kanila," ang sabi ni Vanessa. 

Aside from the basketball team, silang dalawa lang ang nanood from the bleachers.

"Kahit na. Dapat malaman niya na nanonood ako. Baka isipin niya na nag-chi-chismisan lang tayo dito."

Vanessa rolled her eyes. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ng kaibigan.

"Alam mo, desperada ka na talaga. Embarrasingly desperate. Nakakahiya. Parang hindi na ikaw ang Kat na kilala ko."

"Desperate times call for desperate measures. Si Wilson na lang ang natitira kong prospect."

"Pfft. Eh, ano naman kung siya na ang last prospect mo? Ano naman kung hindi ka makahanap ng boyfriend? Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang studyante sa buong mundo ang hindi nagka-boyfriend habang nasa high school. Ako, wala rin naman akong boyfriend, ah."

Hindi sumagot si Kat. Inaamin niya na talagang desperada na siya. Hindi niya naman kasi inakala na walang magkakagusto sa kanya sa limang prospects niya. She had high hopes when she started her plan. Pero ngayon unti-unting gumuguho ang pag-asa niya. Idagdag pa ang ginawa ni Jacques sa kanya last week.

She was hurt. Nasaktan siya sa ginawa ni Jacques. Hindi pa rin naman siya naniniwala na may gusto nga sa kanya si Jacques. Alam niyang kailanman ay hindi magkakagusto sa kanya si Jacques. Ang akala niya magkaibigan sila. Ang akala niya ay tutulungan siya nito.

"Huwag mo nang isipin 'yung sinabi ng babaeng binuhusan mo ng iced coffee. Hindi mo naman siya kilala in the first place."

"Hindi nga pero nakita ko siya noong isang araw sa cafeteria. Ngumiti pa siya sa akin na parang pinagtatawanan ako. Sinumpa yata ako ng babaeng 'yon," ang sabi ni Kat. May pag-aalala sa mukha nito.

"May pasumpa-sumpa ka pa diyan. Umuwi na nga tayo. Nakakahiya. Hindi naman tayo papansinin ni Wilson," ang sabi ni Vanessa sabay tayo.

Sumunod na rin sa kanya si Kat. Dahan-dahan silang bumaba mula sa bleachers.

"Alam mo may naisip ako. May plano na ako pagkatapos ni Wilson," ang sabi ni Vanessa habang bumababa sila.

"Anong plano? Anong pagkatapos ni Wilson?" Nalilitong tanong ni Kat habang nakasunod sa kaibigan.

"Tulad ng iba mong prospects, wala ring mangyayari sa inyo ni Wilson."

"Ano ba, Van. Huwag ka ngang jinx," naiinis na sabi ni Kat habang naglalakad sila patungo sa pintuan papalabas ng basketball court.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Where stories live. Discover now