XLVIII

5.5K 233 35
                                    


Playlist: Beautiful Trauma - P!nk



Wala akong nakuhang sagot.

He simply took a couple of steps and crouched down when he was in front of me. He offered his hand and gave me a look that says that he doesn't want to answer my question. Parati na lang ganito. Ang dami kong gustong malaman. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Parati siyang may option na umiwas sa tanong ko pero ano pa nga bang magagawa ko? Mahal ko eh. Sobra.

Natatakot ako na baka kapag nagpumilit ako, baka masakal siya sa akin.

Umiling ako at sinubukang tumayo nang mag-isa. Bagaman nananakit pa rin ang bewang ko ay nagawa kong makatayo. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya dala ng sobrang tahimik ng silid.

"I'm sorry. Ayaw ko lang na may nakikialam ng paintings ko lalo na kapag hindi ko pa tapos ang isang piece." Naramdaman ko ang pagharap niya sa akin at iniangat niya ang aking mukha. "It was supposed to be a surprise but..."

"But what?"

"Secret."

Hindi iyon ang gusto kong sagot. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may iba pang dahilan.

He placed a soft kiss on my cheek but he did not immediately let me go. Pinagmasdan niya ang mukha ko na para bang kinakabisado niya ito. Alam na alam ko ang tinging iyon dahil ganoong ganoon ang ginagawa ko. The moment he traced my lips using his finger, I subconsciously smiled while my eyes slowly closed as I reminded myself why I love him in the first place.

I have faith in him and I know that he'll tell me the things I want to hear when the right time comes.

At kahit sobrang cheesy at corny, sa oras na mahanap mo na 'yung taong para sa'yo, kahit na sobrang lapit niyo sa isa't-isa, namimiss mo pa rin siya. Tipong kulang na lang ay idikit mo siya sa katawan mo para lang masabi mong hindi na siya matatanggal sa'yo. 'Yung kahit na para sa iba, nakakasakal, alam mong hindi pa sapat iyon.

How is it possible that I can miss him even if he was still holding me?

The moment I opened my eyes, he offered both of his hands.

"Para saan 'yan?" Tanong ko.

"I'm going to carry you." He smiled as I took a step forward before he carried me bridal style. Napa-igik ako dahil wala akong suot na pang-itaas at ramdam na ramdam ko ang magkadikit naming mga balat. "Angel, stop squirming. I am trying my best here." Natigil ako sa paggalaw nang marinig ko ang nagbabanta niyang boses.

"Good." I heard him say. Nanahimik na lang ako.

Bumalik kami sa pinanggalingan namin na kwarto at iniupo niya ako sa isa sa mga upuan malapit sa drafting table pero ang napansin ko ay may sapin iyon. Nakabukas na rin lahat ng ilaw at tanaw ko ang labas na ang kalangitan ay nababalot na ng dilim.

"Thank you." I mumbled. Kasabay noon ay ang pag-abot niya sa akin ng isang paper bag na may lamang damit. Inilabas ko ang laman noon at natuwa dahil isa iyong dark red na hoodie at isang pantalon na alam kong kasya sa akin.

Tinignan ko si Ares at hindi pa man ako nagsasalita ay sinagot niya na ang tanong na nasa aking isipan, "No. I didn't bought that. I saw that inside the closet." Itinuro niya ang kwarto kung saan kami nanggaling.

"Wear it."

Tinignan ko ang disenyo ng likod ng hoodie at nakita ko sa likod nito ang salitang Imperial na kulay puti.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon