XXI

7.5K 333 105
                                    



Playlist: Keep Holding On - Avril Lavigne

_


Typical is definitely not included in the list of words that will describe Imperial University. I knew this thing right from the very beginning but to what extent, I don't have the exact idea. Surely, it is different from other universities because every single one is unique. But what I didn't expect is for their students to be this barbaric.

Or should I say, the person I thought to be a harmless senior turned into a terrifying one.

"Don't you ever dare to mention this to other students, understood? The rest is up to your imagination."

Those were Kuya Zac's exact words before he shooed me away. I don't have any other choice but to follow for his gaze held undeniable authority. It was as if Ares' was staring back at me but his' were on a weaker intensity. Maybe it is because of their rankings but that didn't made Kuya Zac less dangerous.

"Nagawa mo na ba ang homework mo? Kanina ka pa diyan nakatunganga sa laptop mo ah? Pa-low-bat na 'yan, kung hindi mo napapansin."  Sa sobrang pag-iisip ko ay ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala si Ate. Nang lumayo siya ay doon ko lang napansin na nakapagpalit na siya ng pambahay.

"Nai-i-stress lang ako. Ang daming gawain kaya hindi na ako makapag-relax. Puro pa quizzes kaya todo review ako parati. Tapos sa susunod na araw kung kailan dapat may quiz, sasabihin ng prof na next time na lang. Gusto ko na lang um-absent kung minsan eh." Hinaing ko sa Ate ko at mabuti na lang ay kinagat niya ang excuse ko. Hindi kasama sa mga plano ko na ikwento sa kanya ang mga nangyayari sa school dahil paniguradong mag-aalala siya. Kilala ko si Ate alam ko na susugod siya sa school kapag makarinig lang siya ng hindi hindi magandang nangyari sa akin.

"Sarap bigwasan ng mga ganyang prof ano? 'Yung mga nagbibigay din ng homework pero hindi chini-check, susme. Buti na lang at
tapos na ako sa mga estudyante problems." Binuksan niya ang ref at naglabas ng karton ng orange juice, "Nga pala, anong napag-usapan niyo ni Mom?"

Hindi ako agad na naka-imik dahil iniiwasan ko ang topic na ito mula pa noong isang araw.

"Sabi ni Mom," She poured the juice in a glass, "Naka-usap mo raw siya pero agad mo ring binaba ang tawag."

I shrugged, "Umuulan nung time na 'yun kaya nawala ang signal."

"Sabagay. Noong nag-a-aral pa ako sa IU, mahina talaga ang signal malapit sa laboratories." Inabot niya sa akin ang isang baso na may lamang juice, "But putting that aside, may bago na tayong kapatid! I am soooo excited! Sabi ni Mom, papangalan daw niya si Bunso ng Note, Staff o kaya ng Chain. Na-e-excite na ako."

Upon hearing those words from my sister made me feel ashamed. Pakiramdam ko, ang sama sama ko dahil ayaw ko sa magiging kapatid namin kahit hindi pa man siya pinapanganak.

Pero siguro naman, may karapatan akong magalit o kaya ay magtampo dahil kahit saang anggulo tignan ay napag-iwanan ako. Kung dati, ako ang paborito ni Mom, ngayon, ang bago naming kapatid na. Maging ang titulong bunso ay hindi ko na pagmamay-ari sa pamilyang ito.

Kung siguro ay nandito lang si Mom at nararamdaman ko na kakampi ko siya, malamang ay sa ibang paraan ko tatanggapin ang balita. Baka sobrang saya ko na malaman na masasabi kong legal ko ng ama ang step dad ko pero wala eh.

Mula pagkabata, wala akong ibang inisip kung hindi ay ang gawin ang mga bagay na ikaka-proud ni Mom at ni Ate. Matagal nang wala si Papa kaya naman sa kanila ko inaalay lahat ng ginagawa ko. Kahit na madalas ay inuubos ko ang oras ko sa panonood ng kung ano ay inuuna ko munang tapusin ang mga kailangang tapusin.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon