XXXIV

6.5K 322 67
                                    

Playlist: Hands Down- Dashboard Confessional

Everything You Want - Vertical Horizon



Nagising ako nang sobrang nanakit ang ulo. Pakiramdam ko ay nabagok ako ng ilang beses sa sahig na bato at dinaan ng pison hanggang sa magpira-piraso na ang mga laman nito.

"Ugh. Shit." I muttered.

Nang sinubukan kong bumangon ay bigla na lang may kung anong kumirot dahilan para mapasigaw ako. Ano ba talagang ginawa ko? Ang naalala ko lang ay napag-trip-an kong uminom ng kung ano sa class room at nagising na lang ako ma nakahiga na sa aking kama.

"Gising ka na pala. Mabuti naman." It was my sister who entered my room. May kung ano itong inilapag sa bed side table bago ito lumapit sa akin.

"Inumin mo 'to nang mawala 'yang sakit ng ulo mo." Iniabot niya sa akin ang isang tableta na malugod ko namang tinanggap at inabutan niya rin ako ng basong may lamang tubig.

"Thanks." Pagpapasalamat ko sa kanya bago ako sumandal sa headboard ng kama.

"Thanks ka riyan?! Walang gano'n dito!" Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagreact ng ganoon. Nang sulyapan ko siya ay salubong ang kilay nito at nakapamewang. "Anong problema mo, aber? Bakit ka naglasing? Bakit kailangan pang kaklase mo ang maghatid sa'yo, ha? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa'yo? Buti hindi si Lolo ang nagbukas ng gate kagabi. Eh paano kung siya? Paano ako magpapaliwanag? Sabihin mo sa akin, Chord Josef, sabihin mo sa akin."

All I can do is to wait for my sister to stop her nagging session because in all honesty, my brain is reacting to the amount of decibels from her speech.

"Ate, tapos ka na?" Nakita ko ang mas lalong pagtindi ng kanyang simangot. "Paano ako magpapaliwanag kung hindi mo ako binibigyan ng chance? Tsaka 'di mo ba alam na bigla bigla na lang sumasakit 'yung ulo dahil sa boses mo?"

"Aba't! Ikaw talagang bata—"

"Sorry na Ate, okay? I am very sorry kung pinag-alala kita at inabala ko pa ang mga kaibigan ko. Ako nang bahalang humingi ng dispensa sa kanila. Huwag ka nang magalit. Ayaw ko nang nag-aaway lalo pa na ang aga aga." I gave my sister a small smile. "Sorry, I mean it."

When I saw a smile graced from my sister's lips, I instantly knew that I am spared, "Pasalamat ka, cute ka dahil kung hindi, binugbog na kita."

"You love me though." Pang-aasar ko. She rolled her eyes.

"O siya. Kumain ka na ng tanghalian mo." Inilapag niya ang tray sa ibabaw ng aking kama ngunit hindi nakaligtas sa akin ang kanyang sinabi.

"Tanghali?"

"Oo." She nodded and pointed the clock on the wall, "Hindi rin ako pumasok para mabantayan ka kapag nagising ka. Mabuti na lang at mahimbing kang nakatulog."

I bit my lip, "Sorry ulit."

"Don't be. First time mo naman tsaka nasa legal na edad ka na. Ang akin lang, magkwento ka kay Ate kapag may problema. Huwag 'yung sinasarili mo, tulad na lang ngayon." Umupo si Ate malapit sa akin, "Hindi lang ako nagsasalita pero napapansin kita. Kapag bored na bored ka, pakiramdam mo, lumilipas lang ang araw na wala kang nagawa pero kapag masayang masaya ka, ang tagal lumipas para sa'yo ang isang araw. Isa pa, ayaw mo nang mag-isa kasi ang dami mong naiisip. Ang tanong ko sa'yo Chord, ngayon, anong balak mong gawin?"

My sister caught me off guard with her question. Bigla na lang ay sumagi sa akin isipan kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ang sakit sakit ng ulo ko ngayon.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon