XXXVI

5.7K 289 30
                                    

Playlist: Numbers - The Cab


Sa harap ko ay ang daan pabalik sa PE Center kung saan kami nanggaling. Sa kaliwa ko naman matatanaw ko nang maayos, paglampas ng fountain, ay ang study area na sa tantya ko ay tatlumpong metro ang layo sa akin. Sa likuran ko naman ay ang daan patungo sa building namin habang nasa kanan ko naman ay ang daan palabas ng campus. Bagaman kabisadong kabisado ko na ang mga daan, iba ang sitwasyon ngayon. Napapagitnaan ako ng tatlong tao at bukod pa doon ay pinagtitinginan kami ng iba pang mga estudyanteng dumaraan dahil nasa gitna kami. Great. This is so much for a simple drama.

Stef is definitely the last person I want to see and expect as of the moment but a part of me was relieved that I can get out of the tension between those two. I immediately went where Stef stood and dragged her out of the mess.

I held her wrists and guided her towards the stairways on the other side of the building, near the entrance. Hinayaan niya lang ako na hilahin siya habang ako naman ay diretso lang ang tingin at iniiwasan ang paninitig ng ibang mga estudyante.

"What are you doing here, Stef?" Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa second floor ng gusali. Nagpapasalamat ako na walang tao dito dahil sa pagkakatanda ko ay sa third hanggang seventh floor magaganap ang iba pang mga laro tulad ng table tennis, badminton maging ang lawn tennis. Gayunpaman ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para kami makalikha ng ingay.

"Para saan pa? I'm here to see you. Masama ba 'yun?" Napasapo ako ng ulo nang marinig ko ang kanyang tinuran. Ano bang hindi niya maintindihan sa mga salitang 'tapos na'?

"Look, I don't want to be a total jerk but can you please get over with it, Stef? You don't need to do this." I said in a calm tone. Ayaw kong sumigaw at ayaw kong maulit ang nangyari noong nakaraan na kung saan ay iyak siya ng iyak. "Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo kakahabol sa taong paulit ulit ka na lang sinasaktan. Magtira ka naman para sa sarili mo."

"Do you think, it's that easy? Ilang araw pa lang magmula noon, Chord. Ilang araw pa lang! Do you think that I can let you go that easily without putting up a fight?" Muntik na akong matawa sa pinagsasabi niya nang maalala kong may ganitong tendency ang mga taong hindi makaget-over sa mga ex nila.

"Stef, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na may nagugustuhan na nga akong iba. Hindi pa ba sapat 'yun? I cheated. Hindi lang isa, hindi lang dalawa o tatlo kung hindi sobrang daming beses habang tayo pa." I recalled how many times Ares' stole kisses from me and how I did respond from almost all of those kisses. Oo nga't alam kong wala naman talagang namamagitan sa amin ni Stef romantically pero may nararamdaman siya para sa akin kaya hindi ko binabanggit ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Ares. Pero ngayon, wala akong ibang gusto kung hindi ang isampal sa kanya lahat ng iyon nang matauhan siya. Hindi ko siya deserve. Napakabuti niyang tao pero kung paulit ulit niyang pagmumukhaing tanga ang sarili niya, wala akong ibang choice kung hindi basagin ang puso niya hanggang sa makahanap siya ng iba.

"Kailan pa?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Since the beginning of the school year." Tahasan kong sagot. There's no point of denying anymore. Kahit pa sabihin na wala pa akong nararamdaman kay Ares noong mga panahon na iyon ay alam kong mali ang ginagawa ko.

"Don't tell me, you've been cheating on me for about six months?" Tumango ako.

"Fuck you, Chord. Fuck you." Instead of guilt, another emotion took over my system and I knew in an instant that it was my sadistic side showing on the surface.

Natawa ako, "I am already fucked up. No need to remind me. All you need to do is to build a fucking bridge and get fucking over with it." Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay at akmang sasampalin na naman niya ako nang ilagan ko iyon. Hinawakan ko ang kanang kamay niya.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon