V

11.7K 477 72
                                    

Library.

I am no bookworm. Masyado akong tamad sa pagbabasa pwera na lang kung related sa academics, tulad ng hand-outs, short stories at essay, ang babasahin ko. Mas gusto ko ang manood ng series at maglaro ng video games kaysa magbasa, di tulad nina Brian at Irina. Parehas silang adik sa history at miski ang mga sikreto ng fairy tale books na ay alam nila. Narinig ko na sa usapan nila noong nakaraan ang tungkol sa dark Cinderella story na kung saan ang nakatuluyan ng prinsipe ay si Anastasia. Pinutol daw kasi ang paa nito para daw magkasya ang sapatos. Sa ibang kwento naman daw ng Sleeping Beauty ay ginahasa ng prinsipe si Sleeping Beauty kaya nabuntis. Isa rin sa hindi ko makalimutan na kwento nila ay pinakain daw ng lobo kay Red ang katawan ng lola nito at pinainom ng dugo bago patayin ang nasabing bata.

Irina and Brian, the certified geeks who love gore and death that scares the shit out of me and gives me creep. So much for my innocent mind.

Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko ay kung bakit ako nakatayo ngayon sa harap ng counter ng assistant librarian at hinihintay na pansinin ako ng nasa kabila ng counter. Nakatalikod kasi ito at may tinitipa na kung ano.

"Ay, sorry! Kanina ka pa ba diyan?"

Bahagyang nasorpresa ako nang mapagtanto kong ang kaharap ko ay walang iba kung hindi ang head ng pawns, si Sir Harper. Ibang iba ang ayos nito sa suot nitong normal na uniform, di tulad ng suot niya tuwing may training at nakasuot din ito ng salamin. Tipong galing siya sa isang koreanovela sa kanyang ayos. At dahil na rin di hamak na mas matangkad ako sa kanya ay hindi ko maiwasang ma-cute-an sa kanya. Mukha kasi siyang bata pero hindi ibig sabihin noon ay wala na ang pagkasadista niya.

"Hindi naman, Sir Harper." Tipid kong sagot. Ang awkward. Hindi ako sanay na hindi siya sumisigaw.

He chuckled making me smile internally, "Nakakatanda masyado ang Sir Harper 'pag normal na araw. Last name ko pa naman 'yun. Julie na lang kapag walang training."

"Ha? Julie?" Nagulat ako nang sabihin niya ang pangalan niya.

Napapilig siya ng ulo. "Yeah. I know, pambabae pero ganoon ang ipinangalan sa akin." He smiled, "So, anong kailangan mo, Chord Josef?"

Hindi ko na itinanong kung bakit niya alam ang pangalan ko dahil mukhang kilala niya ata halos lahat ng estudyante dito at dumiretso sa aking totoong pakay, "Pwede po ba akong umakyat sa higher floor?"

"Anong floor specifically?" Taas kilay niyang tanong ngunit hindi naman siya nagmukhang masungit.

"Kahit hanggang second floor lang po." I bit my lip. "Kahit hanggang doon lang po para sa group work namin."

Alam kong malaki ang tsansa na hindi niya ako payagan dahil bawal naman talaga, Depende kasi sa kung anong year ang floor ng library na pwede mong ma-access. Sa kaso ko, freshman ako kaya hanggang first floor lang na limitado ang mga libro dahil karamihan ay puro mga fiction books. Marami kasing mga estudyante ang mahilig sa ganoon. Second floor is for sophomores and third years. Hanggang third floor naman ang access ng fourth years at ang highest floor ay para sa graduating students at mga kumukuha ng Masters. Malaki ang library dahil isang building ay nakalaan para lamang dito.

I need to have access to the higher floors for the information I am looking for.

"It is against the rule book," Awtomatikong nalukot ang mukha ko. "So I am sorry but--"

Natigil siya sa pagsasalita nang may pumalakpak. Miski ako ay nagulat. "Woah. You are apologizing to this..." Tinignan ako ng bagong dating mula ulo hanggang paa bago binalingan ng tingin si Julie, "While you are dissing me all the time. How rude."

Pinasadahan ko nang tingin ang bagong dating and I admit, may hitsura din ang isang ito. Matangkad siya kumpara sa akin at may pagka-brown ang buhok na hindi mo malaman kung kinulayan ba o hindi. Bagay din sa kanya ang uniporme at bagay sa kanya ang maging endorser ng school. Bawas pogi points nga lang dahil sa matabil ang dila niya.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon