XLII

4.9K 256 56
                                    

Playlist: Lot to Learn - Luke Christopher

_


I'm so lost as to what is happening right now. No one informed that Maine will be here. To make things worse, Hera is also here. The situation I am in reminded me of the one in tv series. Just when you though that everything is fine, bam. Life is always a bitch and will slap you back with a chair on your face the least you expect it.

"Who do we have here?" Tanong ni Maine nang makalapit sa amin. She was smiling so wide and I have to give it to her for she was smiling like those models on the magazine. 'Yung feeling na hindi mo magawang magalit sa kanya dahil sobrang inosente ng awrang pinakakawalan niya.

From the corner of my eyes, I saw Ares opened his mouth and was about to answer her when I beat him to it, "I am Chord but you can call me Cee. I am Ares' friend."

Nang magawi ang tingin ko kay Ares ay seryoso ang tinging iginagawad niya sa akin at nakita ko rin ang nakakuyom niyang kamao. Habang tumatagal ay mas lalong sumasama ang tingin niya sa akin, kung posible man iyon, dahilan para magtaasan ang balahibo ko.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na itanggi kung anong mayroon sa aming dalawa at nakakakonsensya rin para sa akin dahil alam kong may balak si Ares na aminin base pa lang sa kilos niya pero ayaw ko ng drama. Ayaw ko ng gulo lalo pa't sobrang daming pawns na nasa paligid namin at mga bigating tao. Sa oras na gumawa kami ng eksena, paniguradong sobrang laking gulo nito at ayaw kong sirain ang gabi para sa mga taong kinokonsidera bilang mga importanteng tao sa Imperial University. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko.

Sa kabila noon ay tila ba naninikip ang dibdib ko dahil sa mga salitang pinakawalan ko. Lalo pa't harap harapan kong itinanggi iyon kay Ares. Kitang kita ko kung paano lumamlam ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. God knows how much I despise those words I said but I just can't declare what's the real score between the two of us.

"Oooh, a friend. Raf, may kaibigan ka pala. Aba't himala ata." Maine said as if she was just talking about the weather. Mabuti na lang at hindi niya nahalata na sobrang bigat ng tensyon sa kanyang paligid. Hindi ko lang alam kung manhid siya o sadyang chill na tao lang.

"Can I excuse Chord for a while?" It was Hera who asked the question. Napatingin ako sa kanya at nang lumipat ang tingin ko kay Ares ay tila ba sinasabi ng kanyang mga mata na huwag. Ngunit nang mapadako ang tingin ko kay Maine na mukhang sobrang daming sasabihin kay Maine ay napagdesisyunan kong sumunod na lang kay Hera. Nagtaas naman ng kilay ang huli at tila nagulat pa na sasama nga ako sa kanya.

"Chord." I literally froze when I heard my name escape on Ares' lips. "Remember to message me later after your talk and Hera, please, don't bully him." Kahit nakatalikod ako ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga salitang binitiwan ni Ares. Ito ang bilang sa mga daliring pagkakataon kung saan binanggit niya ang pangalan ko. Ang nakakalungkot nga lang isipin ay sa hindi ko pa inaasahang sitwasyon. Lihim akong napangiti dahil kahit na alam kong galit si Ares ay nagawa niya pa rin akong bilinan at pinaalalahanan pa maging ang kapatid niya.

What did I do to deserve someone like him?

May mga bumabati kay Hera na mga negosyante na sinasagot naman ng huli dahilan para gustuhin nilang maka-usap ito, pero sa oras na makita nila na may kasama ito ay magsisialisan din. Halos isang minuto ring lakaran ang ginawa namin hanggang sa marating namin ang isang malaking pinto na nakabukas na maghahatid sa amin sa veranda.

Agad na bumungad sa akin ang malawak na hardin na kung saan nakatanim ang mga makukulay na bulaklak at ang malawak na swimming pool sa 'di kalayuan. Gayunpaman, kahit gaano kaganda ang paligid ay hindi ako mapalagay dala na si Hera ang aking kasama. Ilang beses niya na akong pinahiya, minaliit, at sinabihan ng mga masasakit na salita. Sa katanuyan nga ay naisip ko na baka nga may himala dahil hindi niya pa ako inaatake ng mga nakamamatay niyang salita sa oras na nakita niya ako. O siguro nga ay parehas lang kaming dalawa na ayaw gumawa ng gulo sa harap ng mga investors nila. Kahit papaano ay may delicadeza ang babaeng ito.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon