XXVII

6.4K 315 47
                                    


Playlist: Heavy - Linkin Park 


_



My sister knows how much I hate nosy people but sadly, she isn't herself today, as she knock on my door furiously together with ear-piercing screams.

"Chord, let's talk! Tigilan mo na ang pagkukulong mo dyan kasi hindi na ako—" Hinarangan ko ang kanyang mga sigaw sa pamamagitan nang paglalagay ng headphones sa aking tenga at tinakpan ng unan ang aking ulo.

All I want to do right now is to get a proper sleep for I am sick and tired to give a fuck about anything. I am physically, emotionally and mentally drained.

Hindi pa nakatutulong ang nararamdaman kong hapdi at pamamanhid sa aking panga at pisngi buhat ng mga suntok ng kapatid ni Stef. Dala ng alak ay muntik na kaming umabot sa kung saan ng huli. Mabuti na lang talaga ay nagising ang diwa ko dahil kung hindi, baka kung saan na ako pinulot ngayon at nakagawa ng mga bagay na pagsisisihan ko.

Dumating ang mga magulang ni Stef ilang minuto matapos niyang makatulog sa sofa. Himala ngang nagawa ko pang ayusin ang mga kalat namin kahit na nananakit na ang ulo ko. Pinaliwanag kila Tito na nagkayayaan lang at hindi talaga maawat si Stef sa pag-inom kaya sinamahan ko. Kilala naman nila ako bilang kaibigan nito kaya hindi ako nakakuha ng negatibong reaksyon mula sa kanila. Alam nilang hindi ako gagawa ng kalokohan lalo pa't sa sarili nilang pamamahay, pero iba ang dating nito sa nakakatandang kapatid ni Stef.

"Hangal. Tigil tigilan mo ang pagpaa-asa sa kapatid ko! Alam ko kung anong meron sa inyong dalawa at kung paulit-ulit mo lang na tatratuhin na parang basura ang kapatid ko, 'wag ka nang magpakita sa kanya, kasi sa totoo lang, ang gago mo."

Hangal na siguro akong maituturing kung sasabihin kong walang epekto sa akin ang mga salitang binitiwan ni Stephen, dahil sa katunayan ay mayroon. Malaki ang naging epekto nito at nagising ako na mali talaga ang set-up namin ni Stef kahit na saang anggulo tignan. Hindi ko nga akalain na tatagal ang isang set-up na wala naman talagang kasiguraduhan. Na-imagine ko nga noon kung ano ang mangyayari kapag dumating ang araw na sasabihin ni Stef sa akin na tama na at nakahanap na siya ng iba na mas babagay sa kanya. Paniguradong magiging masaya ako pero sadya talagang mapagbiro ang mundo. Hindi nangyari ang inaasahan ko.

Hanggang ngayon nga ay iniisip ko kung ano nga ba ang susunod kong hakbang. Uunahin ko ang tungkol kay Stef pero ano ang susunod?

Isa pa sa mga problema ko ay si Ares. Hindi ko nga alam kung bakit ba nasali siya sa mga problema ko dahil kung tutuosin, malayo ito sa kung ano ang nakasanayan ko. Hindi ko ugaling mamroblema sa mga bagay na hindi naman talaga dapat pagtuunan ng pansin. Pero ewan ko ba sa sarili ko... kapag siya na ang pinag-uusapan.

True to his words, he climbed up the walls.

Kahit na hindi ko pa siya ganoon kakilala, kahit na hindi naging maganda ang simula namin, at kahit na away-bati kaming dalawa ay aminado akong nagsisimula na akong maapektuhan. Nagsisimula na akong humakbang papalapit sa isang delikadong bangin at kapag nagpatuloy ito, paniguradong mahuhulog ako.

Dahil sa totoo lang, hindi mahirap magustuhan si Ares.

Napabangon ako sa aking kama at lumapit sa bintana para pagmasdan ang labas. Madilim na ang kalangitan, indikasyon na gabi na at nang tanggalin ko ang headphones ko ay hindi ko na marinig ang mga sigaw ni Ate. Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pa lang

I sighed. Hangal. Naalala ko na naman. Tila ba naka-program na sa utak ko na paulit-ulitin ang salitang iyan kaya naman paninindigan ko na. Tutal naman, madalas nilang sabihin na napakamanhid ko, lulubos lubusin ko na.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon