XXV

7.4K 332 56
                                    

 Playlist: Storm - Ruelle



Nakakasakal. Pakiramdam ko ay minamanipula ng mga tao sa paligid ang komposisyon ng hangin na dahilan upang unti unti akong mawalan ng hangin sa katawan. Ang kanilang mga tingin na tumatagos sa pagkatao mo at ang intensidad nito na tila ba nagpapahiwatig na delikado ang napasukan mo.

I never thought that I will experience something like this. The feeling of in between things that was about to clash. It was frightening and at the same time, giving me chills.

Hindi ko inasahan na magiging ganito ang epekto ng council sa akin. Ilang beses ko nang nakita ang matalim na tingin ni Paris at ang nakakalokong ngiti ni Irina pero ito ang kauna-unahang beses na nasaksihan ko ang mapagitnaan sila.

"Planning to kill one another?" It was Ares' voice that made everyone freeze like a criminal caught red handed. Next to him was Red holding a black forest cake for Irina with the candles on.

Uh... awkward. Supposedly, this is a surprise but it was the other members of the council who were surprised.

"Yes." Nang tignan ko si Irina ay nakangiti ito na para bang wala lang ang isinagot niya. "I want to knock Paris to his senses."

Nakita ko ang pag-iling ni Shi at ang pagkuyom ng kamao ni Paris na tila ba gusto na niyang patulan si Irina kahit na babae ito.

"Stop that." Saway ni Ares sa kanila na seryoso lang na nagsasalit salit ng tingin sa dalawang tandang na kaunti na lang ay magsasabong na.

Umeksena na si Red na bitbit ang cake, "Hello? Nakakalimutan niyo ata itong dala ko." Pagpaparinig niya kaya naman nilapitan ko siya at akmang kukunin na ang cake ngunit umiling siya. "Nah, ako na." Mahinang sabi niya at ngumiti sa akin.

Ang palakpak ni Shi ang muling nakakuha ng atensyon naming lahat, "Ang seryoso niyo naman! Last day na natin dito kaya 'wag na kayong mag-away." wika niya na para bang walang nangyari, "Irina, ihipan mo na 'yung mga kandila!" Dugtong pa niya at hinatak si Irina papalapit kay Red.

"Guys, kakanta tayo ng Happy Birthday ah? Walang kokontra!" He cued, "One, two, three!"

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you." Sabay sabay kaming kumanta at kahit papaano ay masasabi kong nawala ang tensyon sa paligid.

Hinipan ni Irina ang kandila at nagpalakpakan kaming lahat. Matapos noon ay iginiya nila kami papalabas ng beach house kung saan nakahanda ang lamesa na maraming nakahandang pagkain.

I blinked when I realized what the hell did just happened. One second, they are close to kill one another. They are celebrating the next.

I decided to go with the flow and acted as if nothing happened and who'd have thought that it will be the best decision?

Malalim na ang gabi nang magdesisyon sila na mag-night swimming. Umupo lang ako sa buhanginan habang sina Shi ay game na game na lumusob sa malamig na tubig. Ayon kasi sa kanya ay mas 'masarap' dawng maligo kapag gabi at hindi mo na poproblemahin ang balat mo kasi wala nang araw.

Si Irina naman ay kain lang ng kain na para bang wala nang bukas habang nagsi-search nang kung ano sa laptop niya. Malamang ay nagsusulat na naman ng kalokohan niya sa blog site niya.

Nakatuon lang ang atensyon ko kay Irinanang bigla na lamang sumulpot si Paris sa kinaroroonan niya. Awtomatikong nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung anong mangyari sa kanilang dalawa lalo na't ang iba ay busy sa pagkuha ng mga larawan at pakikipagharutan sa mga ibang bakasyunista.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon