XII

10.7K 415 78
                                    

Playlist: Love Like War - All Time Low



Postponed.

Iyon ang bumungad sa akin nang magbukas ako ng SNS account ko. Ang tinutukoy nito ay ang postponed outing kuno naming mga trainee pero ang totoo ay isa talaga itong training. Pabor naman sa akin ito dahil kahit papaano ay maipapahinga ko ang aking utak matapos ang madugo naming pagsusulit. Ang kaso nga lang ay nasayang ang plano sana naming outing ng mga kaklase ko dahil dito. Hula ko ay nasa probinsya na ang iba pagkatapos ng exams kaya hindi na pupwede pang mag-set ulit ng plano.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit marami pa ring nagpapadala sa akin ng mensahe at tadtad na ang inbox ko samantalang kaunti lang naman ang kaibigan ko sa account na ito.

I decided to open a message request and I was quite shocked the moment it sunk inside my mind what is it all about.

Nang buksan ko ang iba pang message request ay halos wala itong ipinagkaiba sa pinaparating nang nauna. Ang tanging nagawa ko na lang ay i-decline nang i-decline ang iba pa dahil baka patulan ko talaga ang mga pinagsasabi nila. Gayunpaman ay pinag-aksayan ko pa rin ng panahon na basahin ang mga pagbabanta nila dahil baka may grammatical errors na kailangang itama. Baka mamaya ay pupwede pa akong mag-apply na grammarian at kumita pa ako.

Kaya lang, nabigo ako sa lampas dalawampung mensahe na nabasa ko. Nakalimutan kong mga sosyalin pala ang tao sa IU at matatas sila kung magsalita. 'Yun lang, masyadong matabil ang mga dila nila at matigas ang mga bungo nila. Pupwede ko silang kasuhan nang cyberbullying ngunit dahil mabait ako ay huwag na lang.

Sa lahat ng mga mensahe, iisa lang naman ang ibig nilang iparating. Iyon ay masyado akong mapapel pagdating sa mga myembro ng council. May naglista pa ng mga ginawa ko na labag sa alituntunin ng IU. Nariyan na ang 'tardiness' ko pero hindi man lang 'daw' ako pinaparusahan, kawalan ng respeto sa ibang myembro, ka-close ko 'raw' si Irina-na totoo naman talaga-at feeling close 'raw' ako kay Shi. Bukod pa doon, may nagtataka pa kung bakit hindi pa basag ang mukha ko gawa ng mga atake ng reyna. Kulang na lang ay patulan ko ang nagsabi noon at sabihing malakas manuntok ang lasing na si Paris ngunit hindi ako pumayag na hindi ako makaganti. Hindi rin nakatulong na nakita rin kaming magkasama ni Julie na sa karamihan ay Sir Harper ang taguro.

Ang latest, ang pagdikit ko kay Ares na hindi na raw tama. Idagdag pa ang pagiging extra friendly ko, ayon sa kanila, noong naganap na rock fest.

Wala akong gustong gawin sa mga oras na ito kung hindi ang sungalngalin ang bibig ng bawat isang nagsend ng malisyosong mensahe. Idagdag pa na ang nakapansin sa closeness namin ni Ares ay isang babae at bukod pa doon, isa ring regular.

Then again, I remembered something. People tend to bark at the wrong tree when there was no one left to blame. Sa kasong ito, ako ang tinutukoy.

Inignora ko na lang ang anghang ng mga pasaring nila dahil alam kong wala naman akong mapapala sa kanila. Isa pa, wala namang masama kung kakausapin ko ang council. Nasa sa kanila na kung papaabutin nila sa kanilang ulo ang insekyuridad dahil hindi sila napapansin ng mga nasa mataas na rank.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagso-scroll nang biglang nag-pop up sa ang chat room ng block namin. Naroroon ang link na in-attach ni Irina para hindi na raw namin kailangang isearch ang official website ng university.

Agad kong itong ni-click at takaw atensyon sa nasabing website ang isang tab kung saan nakalagay ang mga salitang 'Project Royalty.' Kaiba kasi sa ibang mga tab na kulay ginto at itim na text, ang tab na ito ay kabaliktaran. May frame rin itong kulay silver kaya mas naging agaw pansin.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon