XXIV

7.7K 331 94
                                    


Playlist:   War Of Hearts - Ruelle



Papungas pungas akong dumiretso sa bathroom kinaumagahan. Ako na lang ang naiwan sa kwarto namin ni Julie at sumikat na ang araw pero hindi naman ganoon kataas. Tantya ko ay alas-nuwebe pa lang. Naghilamos lang ako ng mukha at nagsipilyo bago bumaba.

Nang sumapit ako sa kusina ay naabutan ko si Irina na nagkikwento ng kung ano kasabay ang hand gestures. Base sa mukha niya ay masayang masaya siya at sa totoo lang, napapa-isip ako kung saan niya nakuha ang energy niya na tila ba walang kapaguran. Napaka-outgoing niya at hyper samantalang ang mga kasama niya ay para bang walang naririnig.

"Mornin' guys." Bati ko at umupo sa isa sa mga high chair katabi ni Julie. Nasa may dining table sina Red at Paris na busy sa pagkain ng kanilang agahan, samantalang si Julie at Shi ay nakikinig kay Irina, na kasalukuyang nagluluto, pero hindi nagkokomento.

"Morning, Cee! Anong gusto mo? Mayroon tayong blueberry pancakes at frankfurter waffles." Masiglang sabi ni Irina nang mapansin ako.

"Waffles please. I don't like too much sugar in the morning."

"Ay wow." Komento ni Irina. "Kaloka. Spokening dollar ka na bes!"

"Ewan ko sa'yo."

Habang busy si Irina sa paghahanda ng breakfast ko na parang chef ay hindi ko naiwasang itanong kung nasaan ang dalawang wala dito.

"Juls, Shi, nasaan sina Ares at Blue?" I asked the two closest to my seat but tough luck, it was as if they were in their own worlds. Julie was silent and his eyes were fixed on the plate while Shi was toying his food with chopsticks.

Mukhang hindi 'morning person' ang mga ito kaya napailing na lang ako.

A few minutes later, Irina placed two waffles on a plate and served it to me. I muttered thanks and was about to take a bite when I heard someone speak.

"If you are looking for Ares, he went for a walk." I was quite surprised when Red answered my question that made me glance at his direction. Yet, he didn't look at me and instead, his eyes were trained on his cellular phone.

"Ah." Iyon na lang ang nasabi ko. Ilang segundo pa ay tumayo na si Paris at lumabas na ng kusina, habang si Red naman ay binitbit ang pinagkainan nila sa may sink. Nagpasalamat siya kay Irina at sinabing susunod kay Paris. I even heard the words 'jerk' and 'lazy ass' from Red.

Pagkaalis nilang dalawa ay saktong bumaba si Blue na bihis na bihis. Para siyang may photoshoot na pupuntahan. Supposedly, it was a joke but turns out, he really has a photoshoot.

"Photoshoot?" Agad na tanong ni Irina na ikinatango ni Blue. "Aga ah?" Dugtong pa nito.

"Well, that's life." Casual na sagot ni Blue at umupo sa high chair na nasa tabi ko. Agad naman siyang ni-serve-an ni Irina ng pancakes.

"Good morning, guys." Sabi niya ngunit ang kanyang mga mata ay naka-focus sa akin. Nag-a-alangan akong ngumiti lalo pa't mukhang masaya siya ngayong araw.

"Good morning to you," Bati ko rin pabalik. "Nga pala, umalis na si Red. 'Di ba, parati kayong magkasama?" Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong napatingin sa akin si Julie.

"Not really." He replied and started to eat. Hindi ko na inabala ang sarili kong muli pang magtanong dahil kahit na hindi niya sabihin ay halata naman sa kanya na ayaw niyang i-bring up ang topic tungkol kay Red. At sa totoo lang, hindi ko maiwasang mapa-isip kung may kinalaman ba ang nangyari kagabi sa kung bakit parang wala sila sa kanilang mga sarili. Una na riyan si Blue at Red na kahapon lang ay halos hindi mapaghiwalay, si Shi na sobrang tahimik at nakakapanibago at maging si Julie. Tanging ako lang ata at si Irina ang hindi apektado. Ewan ko na lang kung kasali rin sa listahan si Paris dahil wala akong ideya sa mood swings niya bukod sa tinagurian siyang 'walk-out' queen.

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon