IX

10K 454 102
                                    

Playlist: Do I Wanna Know - Arctic Monkeys

"Easy-han mo lang, Bri." Angil ko nang muling dumampi ang bulak sa aking pisngi na may kalakip na malakas na pwersa galing sa kanyang kamay. Idagdag mo pa na swimmer ang kasama ko kaya malakas talaga ang mga braso niya.

Naririto kami ngayon sa infirmary at mabuti na lang ay walang tao rito maliban sa nurse na nagbabantay. Pinaikutan lang ako ng mata ng walang hiya saka umiling, "Kasalanan ko bang engshung ka?"

I internally groaned, "Saan mo na naman napulot 'yang engshung na 'yan? Kahit 'di ko masyadong maintindihan, alam kong insulto 'yan."

"Kay Irina. She told me that I am an engshung, her own version of shunga which means tanga," He continued, "Parang ikaw."

Iniangat ko ang kamay ko at akmang babatukan siya ngunit buhat ng kondisyon ko ay mabilis siyang naka-ilag. "Ouch!" Daing ko nang makalimutang napuruhan nga pala ang braso ko. Shit lang.

Hay Chord, 'di ka ba talaga nadadala?

"Ayan! 'Di ka kasi nakikinig. Paano pa kaya kapag nasa huwes na 'yung queen, e di, that's not all that you are going to get." I stare at him, dumbfounded. Nalilito kasi talaga ako kapag nagsasalita siya ng ganyan. Hindi ko maintindihan ang pinupunto dahil madalas niyang paghaluin ang Filipino at Ingles. Ang tanging nagawa ko na lang ay manahimik habang ginagamot niya ang sugat ko. Mabuti na nga lang at walang training ngayong araw at nag-message si Jean sa akin na absent ang prof namin dahil kung hindi, magmumukha akong kaawa-awa sa oras na tumuloy ako sa klase.

"Nasaan si Irina?" Tanong ko para maiba ang usapan. Hindi pa kasi siya nagpapakita samantalang siya ang pinadalhan ko ng mensahe at pinapunta sila rito ni Brian. Ang kaso nga lang ay mas nauna pa si Bri kaysa sa kanya.

"She told me that she'll buy an energy drink for you and some snacks. Anong oras na din daw kasi." When I heard Bri's words, I smiled a little. At least, alam ko na may mga taong nag-aalala sa akin kahit ganito ang ugali ko.

Tinuloy niya ang paggamot sa sugat ko. May bali ako sa braso pero di naman kailangang lagyan ng cast. Nananakit din ang likuran ko pero ayos lang, kayang indahin. Samantalang ang mukha ko, namamaga at bawat galaw ay naghahatid ng hapdi pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko kay Paris ay nababawasan ang sakit.

"Cee."

"Hmmm..." Napatikhim ako.

"Anong pumasok sa kuko mo at sinuntok mo ang lasing?" Tanong niya gamit ang seryosong ekspresyon dahilan para ako naman ang mapailing.

"Kuko ka diyan? Kukote kasi 'yon. Tsaka isa pa, hindi lasing 'yun si Paris. Kung lasing siya, bakit di ko naman naamoy ang alak at bakit grabe na lang ang suntok niya sa akin. Grabe namang lakas 'yan kung lasing pa siya sa lagay na 'yon. Baling bali ang buto ko." Litanya ko at hindi maiwasang mapangiti ng mapait.

Ares slapped me for that brat. Kung sabagay, myembro ito ng council at mukhang matalik silang magkaibigan kaya sino ba naman ako para magreklamo? Tulad niya na walang lugar sa buhay ko, wala rin akong lugar sa kanya.

Pero bakit ganoon? Kahit pa inaasahan kong ganoon talaga ang mangyayari, na kakampihan niya ang may saltik na reyna, ay hindi ko pa rin maiwasang madismaya?

Siguro ay nasanay ako na dinaraan niya sa biro ang lahat. Kahit na madalas niya akong pagbantaan ay hindi niya ako nagawang saktan. Ngayon lang. At dahil pa iyon kay Paris. Dahil pa sa walang modong myembro ng council.

Kung sabagay, sino nga ba naman ako?

"I am disappointed in you, Cee." Bungad ni Irina at pabagsak na inilagay ang bitbit niyang plastic bag na may lamang pagkain sa couch. Hindi na ako umimik at napayuko. "You should've known better. Hindi mo dapat pinatulan si Paris."

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon