XVI

8.9K 361 81
                                    


Playlist: All We Do - Oh Wonder




  "Holy shit!"

All I can do is close my left eye as I watched the cart filled with tennis balls collide with the trash can and caused a loud screeching sound.

Ngali ngali kong nilapitan ang cart at pinulot isa isa ang mga tumilapong bola. Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ipinupukol nila sa akin kaya naman mas lalo kong binilisan ang kilos.

Wala man lang ni isang nagmagandang loob na tulungan ako at ang iba ay nilampasan pa talaga ako na parang walang nangyari.

"Damn you, Ares. You are really getting on my nerves." I silently cursed as I continued. Hindi ko ugaling magmura nang magmura na para bang normal lang pero may mga tao talagang sinasagad ang pasensya ko. Tipong iniipon ko ang lahat ng murang alam ko sa aking utak habang nananatiling tahimik ngunit sa oras na masaid ako ay daig ko pa ang dam kung magpakawala ng tubig.

Tirik na tirik ang araw, mabigat na cart kahit na tinutulak mo lang, nakakapanlumong distansya sa pagitan ng mga gusali at nanunuyot na lalamunan, lahat ng 'yan, nagsama sama. At sino pa nga bang may kagagawan? Walang iba kung hindi ang talipandas na si Ares. Dahil kaya niyang gawin lahat, perks dahil king siya ng IU, ay pinapahirapan niya ako ngayon.

'Di ako nainform na ganito na pala ang panahon ngayon. Kapag may gusto kang isang tao pero hindi ka niya gusto pabalik, papahirapan mo, pipwersahin mo hanggang sa sumuko siya.

Sadista. Ito ang salitang pumasok sa aking isipan nang pulutin ko ang huling bola at inilagay sa cart. Sa wakas.

Huminga ako nang malalim at luminga linga. Nang masigurado akong wala na halos tao sa paligid liban sa mga nasa football field sa 'di kalayuan, ako ay sumigaw nang: "Kung sa tingin niyo, makukuha niyo ang loob ng gusto niyo kapag naging sadista kayo, pwes nagkakamali kayo! Mga hibang lang ang nag-iisip no'n tulad ng mga taong nilamon na ng sistema ng reading sites! Aaaaaaah!"

Napasabunot ako ng buhok sa inis. Kung bakit ba kasi nauso ang bad boy 'kuno' sa mga kabataan. Ang dami tuloy gaya gaya dahil patok daw sa madla. Cool daw kapag marami kang napaiyak at lampas sa bilang ng daliri mo sa mga kamay at paa ang mga naging ex mo. Wala naman akong magawa, ganito na ngayon ang depinisyon ng cool.

Nakakapanggigil. Malaman laman ko lang na maraming napa-iyak ang lalaking 'yon, siya ang paiiyakin ko!








Tennis balls, drum sets, T-shirts for different teams, mouse and keyboard sets for laboratories and a freaking couch for their receiving area at the HQ, these are the shits I've carried all because of Ares. Imagine, a freaking couch when in fact, my body isn't as muscular as to those who were supposed to carry it!

Kulang na lang ay gawin din akong technician, maging serbidora sa cafeteria o kaya ay janitor. Hindi naman ako against sa mga trabahong iyan pero naman! Imbis na tumambay lang ako sa classroom ay puro parusa. Ilang araw nang ganito at sa lahat ng mga araw na iyon ay nakikita ko ang pagmumukha niya kaya naman napapa-isip ako kung pumapasok ba siya sa klase. Parating tambay sa zone namin samantalang sa N Zone ng university ang halos lahat ng klase niya.

"It's not a punishment, more like, it's part of your training."

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakaupo ngayon sa katapat kong upuan sa library ng department namin. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa lamesa habang nakapangalumbaba at tinitignan ako na para bang may alam siya na hindi ko alam. Kami lang tatlo ang naririto, ako, siya at ang librarian.

Training my ass. Tuwang tuwa lang siya na pinahihirapan ako. At syempre pa, bilang isang dakilang api ay walang katulong. Wala man lang isa sa mga kaklase ko ang magawa akong tulungan dahil sa kagagawan ng baliw na 'to. Kulang pala ang pagkaka-describe ko sa kanya noong una ko siyang nakita sa parking lot noon.

"You know what? It will definitely be a great help if you'll just leave me all alone. Baka sa inis ko, hindi ko tapusin 'tong pinapagawa mo." Itinuro ko ang data na kailangan kong i-encode nang dahil lang sa inutos niya. Wala eh. Batas talaga siya. Kaya naman imbes na tulungan niya ako dahil mayroon pang spare laptop na nasa harap lang niya ay hindi ginagawa.

He simply smirked and boy! All I want to do right now is to remove that smirk from his face. Pasalamat na lang siya at bagay sa kanya ang pag-ngisi ngisi niya dahil kung hindi, baka nasuntok ko talaga siya ng wala sa oras.

And the more I spend time with this sadistic twat, I discovered that he's not just equipped with the 'fuck boy starter pack'—with his jacket and his eyebrows—but definitely an asshole. Argh! Why does he have to be the king? Can't I have Shi instead? Ah... wait. Shi is as sadistic as him. Should I just wish for new council members?

Ah! Why the hell I am losing my cool all because of him?


Itinuloy ko na lang ang pagtitipa at nagpapasalamat ako dahil mabilis ako. Nangangahulugan lang iyon na mas kakaunting oras ang kakailanganin ko para matapos ang gawain at makasama ang isang 'to. Sa kabilang banda ay ayos na ako na binuburyo niya ako kaysa naman muli niyang itanong ang itinanong niya sa akin noon. Hanggang ngayon pa rin naman kasi ay hindi ko alamn kung ano ang dapat kong isagot dahil unang una sa lahat, may girlfriend ako.

Isa pa, alam kong kahit anong isagot ko sa tanong niya ay ako ang nasa alanganin. 'Di ko sigurado kung gusto niya nga ba talaga ako--kahit ilang beses niya nang sinakop ang aking labi kasi malay ko ba kung curious lang siya--o hindi. Pero kung iisiping mabuti, bakit naman niya ako pinapahirapan? Dahil ba gusto niya ako--pero hindi ko siya gusto-- o hindi niya ako gusto in general at wala nang ibang rason? Tipong trip niya lang. Tinotopak siya, ganoon.

"Have you eaten yet?" Rinig kong tanong niya at ramdam ko na nakatingin siya sa aking mukha.

"Hindi pa. Mamaya na sa bahay. Kailangan kong tapusin 'to." I replied, not totally blaming him. Kahit hanggang mamaya pa ako hindi kumain ay ayos lang dahil sanay na.

"Does that mean," He paused for a while, "'Di ka pa kumakain?"

Slightly surprised when he asked me in Filipino, I answered, "Yep. Araw araw namang ganito kaya ayos lang."

"So you are saying that you are skipping meals on a daily basis?" Di makapaniwala niyang tanong. Nang salubungin ko ang kanyang mga mata ay kita ko doon ang lubos niyang pagkagulat. Rich kid problems. Halatang hindi niya pa naranasan na tiisin ang gutom sa tanang ng buhay niya.

"So what?" I imitated his choice of words and I stretched my arms. "It's not like its the end of the world, anyway."

He gave me a deadly glare, his eyes emitting dark aura that made me internally flinch. From my peripheral vision. I saw his fists clenched. "You are really testing my patience." Came his voice with pure threat that made me wonder what the hell did I do this time.

"Anong oras ka huling kumain?"

Let's see. Nakishare ako kaninang break time sa pagkain ni Brian pero hindi naman marami ang nakain ko dahil walang lasa.

Upon seeing the sharp look he's giving me, I decided to give my honest answer. "9 AM?" Nilaro ko pa ang aking kilay para mapagaan ang atmospera ngunit mukhang nagkamali ako dahil isang malakas na sigaw ang natanggap ko.

"The fuck?!" Narinig ko ang pagbagsak ng libro sa 'di kalayuan na gawa ng librarian na marahil ay nagulat sa sigaw ni Ares.

"Minumura mo ako?" I played it cool and went back to business, "Ano bang problema mo?"

Napasinghap ako ng agaran niyang sinara ang laptop at muntik pang maipit ang mga daliri ko kung hindi ako naging maagap. "May saltik ka ba?"

Imbes na sagutin ay tumalon siya sa ibabaw ng lamesa at mabilis pa sa alas kwatro ay nagawa niyang pumwesto sa likod ng upuan ko. Shit. Halos kumawala ang puso ko sa gulat. Para akong nanonood ng martial arts themed movie pero hindi sinabing may suspense pa lang kasama.

"Let's go." Mariin niyang sabi habang ako ay nakatingala sa kanya. Dala ng gulat ay hindi kaagad ako nakahuma at parang tanga lang na nakatingin sa kanya.

"I said let's go." He said more of a command than a statement as he pulled me from my seat.

"Sandali, paano 'yung mga ga—"

Nilingon niya ako, "Shut up. Take care of yourself first before taking care of other things." At muli ay nagpatuloy siya sa paglalakad habang ako ay nagpatianod.


Just like what he said, I kept mum but deep inside my head, I want to hit his head. Siya ang nagpapahirap sa akin na para bang hindi ako nakakaramdam ng pagod tapos ngayon, sasabihin niyang isipin ko naman ang sarili ko. Hay buhay! Bakit ang gulo ng mga tao? Sasabihin nilang ganito tapos mamaya, iba na naman.


Hindi ko maiwasang mapatanong sa isipan habang pinagmamasdan ang likod niya. Hay, Ares. Ano ba talaga? Care to explain?


_


"Sinasabi mo na hindi tayo kakain ng burgers bukas kasi kumain ka na kanina kasama ng kung sino man? At sa school pa ah?" 'Di ko man nakikita ang mukha ni Irina ay alam kong may pilyang ngiti ang nakaguhit sa kanyang labi kahit na hindi ko pa sinasabi kung sino ang kasama ko. 

Defying the King [IU #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon