"Hindi ako basura."

"Well, you look like one."

Siguro dahil isang linggo palang ako sa Pilipinas at naninibago pa ako kaya hindi ko makontrol ang sarili ko. Dapat naman kasi masaya na ako't nakabalik na ako sa lupang sinilangan ko. Pero mas maganda pa atang bumalik nalang ako ng Amerika kung saan pakiramdam ko hindi ako nababagay doon kasi dito, pakiramdam ko basura na nga talaga ako. Sumosobra na si Alec.

Hindi ko na kinaya yung halakhak nya at yung tawa ng klase. Lumapit ako sakanya at sinampal ko sya.

Napahawak si Alec sa kaliwang pisngi nya. Namumula na ito at bumabakat na ang hugis ng kamay ko.

Natahimik ang lahat. Pati si Alec nawalan ng sasabihin.

"Goodmorning cla---" Natahimik si Sir Chua nang mapansin nyang may nangyayari.

Saka ko lang narealize na for the first time in my whole life, nakasakit ako ng isang tao. Masakit din pala sa kamay na manampal.

"Oh my gosh, Alec, I'm so sorry!" Napaatras ako.

Natauhan na si Alec at matalas ang tingin na ibinigay nya sakin. Yung violet eyes nya parang lumiliyab na sa galit.

Hala hala. Galit na nga sya sakin lalo ko pang ginalit. Eto na ata ang kamatayan ko.

"Miss Imperial, Miss Jaranilla, what's going on?" Tanong ni Sir Chua.

"Outside. Now."

Napaatras pa lalo ako sa sinabi ni Alec. Mas natakot pa ako sakanya kesa sa professor namin.

"Miss Imperial anong--"

"Sir, can me and Sophie be excused?" Seryosong tanong ni Alec kay sir. Makamandag yung boses nya at parang pinipigilan nalang nya yung sarili nya na wag akong atakihin sa harap ng klase.

"What happened to your face?" Gulat na tanong ni Sir na ngayon lang napansin yung namumulang marka ng kamay ko sa magandang mukha ni Alexandria Genesis Imperial.

"We're leaving." Hinablot ni Alec yung kamay ko at saka ako hinila palabas ng kwarto.

"Teka! San mo ba ako dadalhin?!" Nagpapanic kong tanong. Hindi man lang kami pinigilan ni Sir o ng kahit isang kaklase namin.

Maiiyak na ako. Hindi ko naman ginustong saktan sya eh. Napuno lang talaga ako. Last week pa nya ao pinapahirapan tapos ang aga aga tatawagin nya akong basura.

"Teka lang, Alec, bitawan mo na ako." Pilit kong binabawi yung kamay ko pero ang lakas nya. "Sorry na. Di lang ako nakapagpigil."

"Wala pang sumasampal sakin kahit kailan. Anong tingin mo sa sarili mo ha?!" Pinipigilan nyang wag sumigaw habang kinakaladkad ako.

Hindi ko alam kung san ako dadalhin ni Alec pero pinagtitinginan na kami ng ilang mga estudyante na nasa hallway.

"ALEC!"

Hindi pinansin ni Alec yung tawag na yun at nagpatuloy lang. Lumingon ako para tingnan kung sino yung tumatawag at nakita ang isang babae na tumatakbo papalapit samin.

Hinawakan nya sa braso si Alec.

"Alec, ano ba yan, kahapon pa kita sinusubukang kontakin. You're not returning my calls and messages." Sabi nung babae.

Mukha syang rakista. Naka black and white blouse and tank top sya, black ripped jeans at black high cut Converse shoes. Spiky yung hair nya at medyo makapal ang eyeliner nya kaya nahigh light yung kulay green nyang mata.

There's something gentle about her kahit na naka-rockstar outfit sya. Hindi ko alam, siguro yung boses nya. Malumanay kasi ang pananalita nya.

"Bitawan mo ako Leone." Nagbabanta ang boses ni Alec.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now