Meet the Negative

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ay, uhh, sir, Philippine History po ba to?" Tanong ko. Oo parang engot lang, tama naman kasi yung room pero mabuti nang sigurado.

Tiningnan ni Sir yung hawak kong papel na nagsasabing kakagaling ko lang ng student exchange program at ngumiti siya. "Miss Jaranilla, welcome back. Get inside and introduce yourself to the class."

Nahihiya man ay pumasok ako ng room at hinarap ang klase. Halos puno na ang classroom maliban sa mga bakanteng upuan sa likuran kung saan may magisang nakaupo....o nakatungo?

First class, first day, may natutulog sa klase?

"Hi, my name is Sophie Jaranilla. Kababalik ko lang ng Amerika kaninang umaga kaya sana wag niyo akong kakainin."

Nagtawanan yung mga nasa harapan, pero mahina lang. Yung nasa likuran hindi natawa at mukhang kinakabahan pa nga. Bakit kaya? Ganun na ba ako kadungis tingnan ngayon?

"Sige miss Jaranilla, maupo ka na dun sa--" naghanap saglit si sir ng mauupuan ko. Akala ko nga dun sa likuran katabi nung babaeng natutulog niya ako ipupwesto pero ibang upuan ang itinuro nya. "Dun sa tabi ni Mr. Chang."

Dun niya ako pinaupo sa bakanteng upuan sa bandang bintana. Ngumiti naman kaagad si Chang sakin pero yung ngiting kabado pa rin. Ano ba tong klaseng napasok ko?

"Okay, mukha namang kumpleto na tayo ngayon. Nakapagpakilala narin ang lahat except for me, I'm Mr. David Chua."

May pabulong na sinabi si Sir at parang lalong natakot yung klase, napasinghap yung iba at yung iba naman ay--natakot. Mahirap iexplain pero halata sa reaksyon nila. Ano bang ikinatatakot ng mga ito? Hindi ko naman narinig yung binulong ni sir kaya no idea ako.

"Anyways, introduction muna tayo sa Philippine history. Mabilis lang to kasi naituro naman na ito dati sa inyo...."

Nagsimula nang magturo si sir. Dahil pagod ako, malakas ang temptasyon na tumungo at tulugan ang lecture pero pinigilan ko ang sarili ko at nagsulat na lang ng notes para hindi antukin.

Nagtatanong once in a while si sir at nagtataas din ako ng kamay. Maganda kung maaga palang kilala na ako ng prof.

"Si Rizal ay hindi naman talaga natin pambansang bayani---"

Natahimik ang lahat nang may humikab ng malakas mula sa likuran. Napatingin kami sa babaeng nakayuko kanina. Gising na siya.

Galing na ako ng Amerika, andami ko nang nakitang magaganda doon pero iba yung ganda ng babae sa likuran. May kaputian siya at parang may splash ng freckles sa nose bridge niya papunta sa ilalim ng mga mata. Mahaba ang kanyang buhok na medyo may pagka-brown at kahit parang hindi niya ito sinuklay ng maayos, iba pa rin yung dating ng ayos niya. Matangos ang ilong niya at mapupula ang labi kahit parang wala naman siyang lipstick. Nakakunot ang noo niya at parang bored na bored na siya.

Pero ang pinaka-agaw pansin sa kanya ay yung mga mata niya. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganoong kulay ng mata. Violet.

"Masama tumitig." Sabi niya sa klase habang kinukusot ang inaantok niyang mata.

Agad namang umiwas ng tingin ang buong klase maliban sa akin. Di pa kasi ako makaget-over sa mga mata niya. Sobrang ganda nito.

Nahuli niya akong nakatingin pa rin at tumagilid yung ulo niya na para bang nagtataka. Siguro dahil bago ako sa paningin niya.

"Jaranilla," pabulong na kinalabit ako ni Chang.

"Bakit?" Napatingin ako sa katabi ko.

"Kung ayaw mong makain ng buhay umiwas ka sa kanya."

Napatingin ulit ako sa babae sa likuran at nakitang naglalaro na ito ng cellphone niya.

"Bakit ko naman siya dapat iwasan?" Tanong ko kay Chang.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon